

Sisyphus' Tricks
By Cip D.C. Cabrera
KOMENTARYO
%20(3).jpeg)
2/19/25, 6:01 AM
SocMed's Role in Elections
Every election is determined by the people who show up.
— Anonymous
MAYPAJO, Caloocan City — Elections play a vital role in any country's well-being and welfare as it is through the election of leaders can the people voice out their sentiments and aspirations.
And in this, social media likewise plays not only a vital role but a crucial factor in communication, information dissemination and in also in preserving transparency, integrity and honesty in the electoral process.
So let me tackle the issue on social media—but with your permission, in the vernacular . . .
* * *
SA modernong panahon, naging mahalaga ang bahagi ng social media (SocMed) sa larangan ng pangangampanya ng mga kumakandidato sa eleksyon dahil mas pinadala nito at pinalawig pa ang pakikipagkomunikasyon nila sa mga botante.
Kaya nga nag-aalok ang tinatawag na mga platform tulad ng Facebook, X (dating Twitter), YouTube at Instagram sa mga kandidato para sa nasyonal at lokal na posisyon ang walang tumbas na oportunidad na makipag-ugnayan nang direkta sa kanilang mga constituent o nasasakupan, kung kaya na gagawa nilang makipag palitan ng mensahe at makipagpaliwanagan din ng polisiya at adhikaing 'in real time'.
Sa pamamagitan ng 'targeted advertising', gaya ng mga live streaming event at interactive post, nagagawa ng mga kandidato na aktibong magsagawa ng duskursong politikal, agarang tumugon sa mga agam-agam at paglalagad ng isyu at opinyon ng mga botante at kanila ding mga feedback.
At kung ang mga kandidato ay tech-savvy o hindi, alam nilang ang SocMed ay makakatulong sa kanilang visibility at paigtingin ang suporta at jalaynan ay paangatin ang tsansa ng kanilang tagumpay sa halalan.
Ito ang dahilan naging seryosong usapin para sa Commission on Elections (Comelec) regulations ang mga social media account sa panahon ng pangangampanya at ukol na rin ito sa umuunlad na landscape ng digital campaigning at gayun din sa mga responsibilidad pareho ng mga kandidato at platforms ng kanilang gagamitin sa pagpapapogi sa kanilang sarili at kandidatura.
At sa gitna ng kakarampot na mga senatorial candidates at partylist group na sumusunod at susunod sa registration requirement ng Comelec sa SocMed, nagiging malinaw na mayroong masking kakulangan sa pagunawa at pag-angkop ng mga alituntunin na sumasakop at gumagabay sa modernong 'electioneering'.
Kapuri-puri ang inisyatibo ng Comelec na hilinging magparehistro ang mga social media account at digital platform sa layuning tiyakin na mayroong transparency at accountability sa political advertising.
Maaaring mabilis na kumakat ang 'fake news' sa internet; kaya ang pagtakda ng mga guideline sa paggamit ng digital ay kinakailangan para mapangalagaan ang demokratiko ng proseso ng halalan.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng accountability sa mga kandidato Ayon sa kanilang online presence, target ng Comelec na maibsan ang panganib at banta ng disinformation para patatagin ang ating electoral process.
Dangan nga lang, ang nakakalungkot na reyalidad ay marami sa mga kandidato ang mabagal sa kanilang reaksyon o nabigong tanggapan ang halaga ng SocMed requirement na itinakda ng Comelec. Ang totoo, 29 lang sa 66 na mga kandidato ang tumugon at sumunod dito kaya maiisip na kulang pa ang pagpaprayoridad sa Bagong mga guideline.
* * *
FOR your comments or suggestions, complaints or requests, just send a message through my email at cipcab2006@yahoo.com or text me at cellphone numbers 09171656792 or 09171592256 during office hours from Monday to Friday. Thank you and mabuhay!