top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

52-anyos na lola nagbalik-hayskul sa Tacloban

7/30/24, 10:52 AM

Hindi alintana ng 52-anyos na lola sa Tacloban ang kanyang edad para bumalik sa pag-aaral at tuparin ang pangarap niyang maging interior designer.

Balik-hayskul ngayong pasukan si Rowena Taboso sa Northern Tacloban City High School campus sa ilalim ng alternative learning system (ALS) program ng Department of Education.

Keber si Rowena maski na di hamak na mas may edad siya kumpara sa kanyang mga kaklase at ibang guro.

May dalawang anak at tatlong apo na siya pero gusto niya pa ring makapagtapos ng pag-aaral.

“I am very proud to wear my uniform as a senior high school student. I stopped coming to school 29 years ago and now, I’m back to school to fulfill my dream to become an interior designer,” sabi niya sa ulat ng Philippine News Agency.

Noong nakaraang taon ay nagdesisyon raw siya na tapusin ang pag-aaral matapos maka-graduate ng kolehiyo ang kanyang mga anak.

“Now that they are college graduates, it’s my turn to study. I am more serious about my schoolwork now since I am mature. I will enroll in college next year,” saad niya pa.

Halos tatlong dekada na ang nakalilipas nang tumapak siya sa paaralan bilang mag-aaral.

Nakapagtapos si Rowena ng high school noong 1993, pero tumigil din matapos makapag-asawa.

Photo courtesy of Philippine News Agency

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page