top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

70 taong puno ng balete sa Pasig bagong 'heritage tree'

7/4/24, 10:27 AM

Idineklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang pamanang puno o "heritage tree" ang isang puno ng Balete sa Pasig City na tinatayang nasa 70 taong gulang na.

Matatagpuan ang heritage tree sa Maybunga Rainforest Park, isang 6.8 ektaryang parke kung saan nakatanim ang tinatayang 3,000 uri ng puno. Dito rin nakatayo ang Pasig City Science High School.

"May this heritage tree and its marker serve as a reminder to Pasig residents that we should protect nature and our history," ani Pasig City Mayor Vico Sotto sa declaration ceremony.

Ito na ang ikaapat na heritage tree ng lungsod, kasunod ang dalawang acacia sa Rizal High School at isa pang acacia sa Pasig Catholic Cemetery na tinatayang halos 100 taon na.

Samantala, ito naman ang ika-42 heritage tree sa buong National Capital Region.

Sa ilalim ng programa ng DENR, ang mga malulusog na puno sa Metro Manila na may hindi bababa sa isang metrong diyametro, may edad na hindi bababa sa 50 taon, at may kahalagahang estetiko, historikal, o kultural ay maaaring ipanukalang maging heritage tree.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page