top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Aberya sa Ash Wednesday: 44 sugatan sa pagbagsak ng bahagi ng simbahan sa Bulacan

2/14/24, 3:00 AM

Ni MJ Blancaflor

Nasa 44 katao ang sugatan matapos gumuho ang bahagi ng ikalawang palapag ng isang simbahan sa San Jose del Monte, Bulacan noong Miyerkules, Pebrero 14, sa kalagitnaan pa man din ng Ash Wednesday Mass.

Pasado alas-syete ng umaga nang gumuho ang bahagi ng St. Peter Apostle Parish Church sa Barangay Tungkong Mangga, ayon sa Public Information Office (PIO) ng lokal na pamahalaan.

Nakarinig daw nang malakas na pagtili at sigawan ang mga saksi bago tuluyang gumuho ang bahagi ng palapag.

Makikita sa Facebook post ng San Jose del Monte PIO na gawa sa kahoy ang bahaging gumuho.

Agad na dinala sa malalapit na ospital ang mga sugatan, kabilang ang isang senior citizen na nakuhanan pa ng litrato habang isinasakay sa stretcher ng mga rescuer.

As of 9:35 a.m., 24 sa mga sugatan ang ginagamot sa Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte, siyam sa Tala Hospital, lima sa Brigino General Hospital, tatlo sa Skyline Hospital, dalawa sa Labpro Diagnostic Center, at isa sa Grace General Hospital.

Siangot na ng lokal na pamhalaan ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng nasugatan sa insidente.

Personal ring nagtungo si Mayor Arthur B. Robes sa lugar upang i-assess ang sitwasyon.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa ang clearing operations sa simbahan.

Comments

Поделитесь своим мнениемДобавьте первый комментарий.
bottom of page