top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Alamin ang mga nakababahalang kosmetiko, laruang pambata ayon sa FDA

4/2/24, 3:55 AM

Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili o paggamit ng ilang produktong pang-kosmetiko at pampaputi ng balat na hindi na-rehistro sa ahensya.

Nag-warning din ang FDA laban sa pestisidyo at laruang pambata at sinabing walang kaseguruhan ang kaligtasan at bisa ng mga ito.

Sa mga inilabas na babala noon Lunes (Abril 1), sinabihan ng FDA ang publiko na huwag bumili ng mga produktong hindi ipinarehistro sa kanila.

Ang ilan sa mga beauty at cosmetics products na nagtaglay ng babala ay ang mga sumusunod: Kahamis Organic Carrot Soap; Brightest Skin Essential; Dermax Premium Soap; Perfect Skin Lady Vitamin E Whitening Soap X 10 Plus; Silk Secrets powdered blotting paper; Summer’s Eve Island Splash Refreshing Spray 5 in 1; Guanjing SlimmingBody Cream Shaping Perfection; Amino Intense Keratin Treatment; Sensi Skin Age Control Soap at Faire Well Beauty Essential.

Ayon sa FDA dapat din huwag bumili o gumamit ng Grean Leaf Mouse and Rat Glue na isang household/urban pesticide; at Joy Multi-ColoredClay SCL 3005, na nasa kategorya ng unnnotified toy and childcare article o TCCA.

Inilabas ng FDA ang mga babala sa publiko matapos magsagawa ng market surveillance ang mga monitoring personnel nito sa mga tindahan, shopping malls at iba pang retail outlets.

Ipinaliwanag ng ahensya na ang mga nasabing “unnotified products” ay hindi dumaan sa tamang proseso ng pag-aabiso sa FDA.

Dahil dito, hindi umano makakasiguro ang FDA sa kalidad at kaligtasan ng mga taong gagamit ng mga ito.

“The use of such violative product may pose health risks to consumers,” diin ng FDA.

Dagdag pa ng ahensiya na may posibilidad na mailalagay sa peligro ang mga tao sakaling gumamit ng mga produktong hindi dumaan sa masusing pag-aanalisa.

“Potential hazards may come from ingredients that are not allowed to be part of a cosmetic product or from the contamination of heavy metal,” sinabi ng FDA.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page