top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Antipolo road rage incident: Isa ng murder incident dahil sa pagkamatay ng rider

4/1/25, 5:29 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Aamyendahan sa murder ang isa sa mga frustrated homicide cases na isinampa sa namaril na motorista na umanoy pinagtulungan ng dalawang rider sa isang road rage incident sa Antipolo noong Lunes (Marso 31).

Ito ay matapos na mamatay dahil sa tama ng bala sa ulo ang 52-anyos na rider na nakaaway ni alias “Kenneth” matapos ang umanoy gitgitan ng kanilang mga sasakyan sa Marcos Highway, Antipolo City.

Hindi na naisalba ang buhay ng biktimang tinawag na si alias “Peter” sa ospital kung saan siya itinakbo.

“One of the victims already died so we will upgrade the case we filed this afternoong. We’ll amend it because one of the victims is already dead - the one who was shot in the head and was seen lying on the ground.” ayon kay Antopolo City police chief Lt. Col. Ryan Manongdo sa isang post sa Facebook live.

Dalawa pa sa mga nabaril ni Kenneth at kasalukuyang nagpapagamot ngunit isa dito, si alias Davis, ay nasa malubhang kalagayan. Si Davis ay umaawat lamang sa mga nag-away na unang nagsuntukan bago ito lumala sa pamamaril.

Si alias “Patrick” na umanoy nakaalitan din ni Kenneth ay may tama ng baril sa kanang kamay.

Sa insidente, nabaril din ni “Kenneth” ang kanyang asawa.

Ang 28-anyos na suspek ay ipinagharap ng mga kaso kaugnay sa pamamaril. Bukod dito sinampahan din siya ng kaso dahil sa paglabag sa gun ban.

Lisensyado ang armas ni Kenneth ngunit wala itong permit to carry mula sa mga awtoridad.

Viral ang mga videos na nag-record ng kaguluhan na nangyari sa Marcos Highway sa Sitio Calumpang, Barangay San Jose.

Nagkagitgitan umano ni Kenneth na nagmamaneho ng isang Fortuner ang mga rider nang pareho itong bumaba sa kanilang mga sasakyan.

Nagsimula sa sigawan, ang insidente ay lumala nang pagtulungan ng dalawang naka-helmet na rider si Kenneth. Maya-maya ay nakita na lamang na bumunot si Kenneth ng baril at pinaputukan ang mga nakaalitan.

Sa kasamaang palad pati ang kanyang asawa at ang isang umaawat lamang ay nabaril din ng suspek.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page