top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Babala ng DOH: Paputok nakasisira ng pandinig

12/29/23, 5:03 AM

Isang babae mula sa Central Luzon ang nawalan ng pandinig matapos na makaranas ng passive exposure mula sa kwitis (sky rocket), ayon sa Department of Health.

Dahil dito nagbabala ang mga medical expert ng kagawaran na umiwas ang publiko sa mga nakabibinging paputok na maaring maging sanhi ng pagkasira ng tainga.

Sa isang medical alert na inilathala ngayon Biyernes (December 29), ipinaliwanag ng DOH na ang lakas ng pagsabog ng paputok ay nasususukat na 140-150 decibels (dB).

Kapag napuruhan ng tunog ng pagsabog, maaaring magkaroon ng sintomas ng pagkabingi tulad ng pananakit at pinsala sa tainga.

Kung ihahambing ang antas ng decibels ng paputok sa iba pang malalakas na tunog ito ang magiging resulta: Paputok, 140-150 Db; tunog ng tambutso ng motorsikly, 95 Db; tunog ng sirena, 120 Db.

“Pinakamahusay pa rin na manood ng mga community firewards display mula sa isang ligtas na distansya,” bilin ng DOH.

Dagdag pa ng ahensya: “Kung hindi maiiwasan ang pagkakalantad sa mga paputok at ang malalakas na tunog ng mga ito, gumamit ng proteksyon sa pandinig tulad ng earplug o earmuff.”

Dapat kumonsulta kaagad sa isang doktor ang sinumang nakararamdam ng pananakit sa tainga o paghiging sa mga tainga.

Samantala, umabot na sa 96 kaso ng fireworks-related injuries (FWRI) ang nailista ng DOH.

Dalawang araw bago magsimula ang putukan, patuloy pa rin nangunguna ang National Capital Region sa dami ng mga kaso. Tatlo sa bawat FWRI case ay nagmumula sa NCR.

Comments

Podělte se o vaše myšlenkyBuďte první, kdo napíše komentář.
bottom of page