top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Bimby, Josh pinutol ang ‘Pinas vacation dahil sa kondisyon ni Kris Aquino

7/24/24, 6:15 AM

May pangambang ipagpapaliban na muna ng anak ni Kris Aquino na si Bimby ang planong pumasok sa entertainment industry dahil sa nabalitang hindi magandang resulta ng medical treatment ng ina na nasa Amerika.

Si Bimby at kapatid na Josh ay nag-eenjoy ng bakasyon sa Pilipinans nang agad-agad silang lumipad pabalik sa US matapos na mabalitaang ang “sad” news tungkol sa treatment ni Kris na nasa California.

Ang bunsong anak ng mga yumaong dating Pangulong Corazon C. Aquino at dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, ay lumalaban sa karamadamang autoimmune disease at nasa US upang magpagamot sa mga dalubhasang doktor doon.

Sa Instagram post noong Hulyo 22 ni Dindo Balares, isa sa mga malapit na kaibigan ni Kris, sinabi nito na ayon sa dating sikat na aktres-TV host, “sad” ang resulta ng kaniyang pinakahuling treatment.

“Marami ang nag-expect na magtatagal sa Pilipinas si Bimby, dahil nai-announce ito ng kanyang Mama Kris sa interview sa kanila ni Ogie Diaz sa kanilang bahay sa Orange County, California,” ayon sa post ni Balares.

Mayroon na umanong negosasyon para sa pagpasok ni Bimby sa showbiz industry sa Pilipinas bago ito magbalik sa Amerika.

Matatandaang tila masayang nagbabakasyon sa Pilipinas ang Aquino brothers. Nalathala pang dumalaw sila kay First Lady Liza Araneta Marcos na kanilang tiyahin.

Ngunit dahil umano sa pag-aalala sa hindi magandang treatment ni Kris napagpasiyahan ni Bimby at Josh na bumalik agad sa California upang makapiliing ang ina.

Agaran ang pagbalik ng Aquino brothers sa US matapos na makatanggap ng message sa ina na nagsasabing: “I have received unfavorable blood results.”

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page