top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Dagdag na diskwento sa groceries, food supplements ng seniors, PWDs pinag-aaralan ng Kamara

2/7/24, 6:40 AM

Ipinag-utos ni House Speaker Martin Romualdez ang masusing pag-aaral para sa posibilidad na karagdagang diskwento sa mga groceries at food supplements para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWD).

Nais ni Romualdez na bukod sa groceries, dapat na rin isama ang mga food supplements na katulad ng bitamina sa mga mababawasan ng diskwento.

Ito ay napag-alaman matapos na tawagin ng pansin ng National Commission of Senior Citizens ang Kongreso dahil umano sa napakababa at luma nang basehan ng pagbibigay ng diskwento para sa mga pangangailangan ng mga nakatatandang PIlipino.

Sa joint hearing na isinagawa kamakailan ng House Committee on Ways and Means at Committee on Senior Citizens, binanggit ni NCSC Chairman Franklin Quijano na bagamat patuloy ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin, hindi pa rin nadaragdagan ang PHP65 na inaawas sa PHP1,300 na halaga ng mga pangunahing bilihin ng mga seniors.

Ayon kay Quijano napapanahon na upang baguhin ang batas na nagtatakda ng diskwento upang tunay nang makinabang ang mga nakatatanda sa bansa.

Sinabi ni Romualdez na isang technical working group ang magpupulong ngayong linggo pag-aralan kung magkano ang idadagdag na diskwento para sa mga senior citizens at PWDs.

Ayon sa kanya ang limang porsiyentong diskwento para sa lingguhang grocery ng mga seniors ay hindi sapat na benepisyo para sa mga cardholders ng social discounts.

Nais ni Romualdez na isama na rin sa pagbibigay ng diskwento ang mga food supplements at bitamina para sa mga senior citizens.

“Seniors and PWDs are currently getting a far-too-modest discount of PHP 65 on their weekly groceries. We need to increase this,” sinabi ni Romualdez.

Dagdag pa ng lider ng Kamara: “This amount is no longer appropriate in the current economic climate, given the high cost of living.”

Ayon kay United Senior Citizens Partylist Rep. Milagros Magsaysay ang panukala ni Romualdez ay madaling maisasagawa.

Iminungkahi ni Magsaysay na dapat panatilihin sa 5 porsiyento ang diskwento ngunit dapat itaas ng kahit hanggang P5,000 ang halaga ng grocery na maaaring mabawasan ng presyo.

Comments

Fikirlerinizi Paylaşınİlk yorumu siz yazın.
bottom of page