HEADLINES
Karaoke inventor pumanaw sa edad na 100
3/19/24, 11:00 AM
Ni MJ Blancaflor
Pumanaw na sa edad na 100 si Shigeichi Negishi, ang kinikilalang Japanese inventor ng unang commercially-available na karaoke machine sa mundo.
Kinumpirma ng anak ni Negishi na si Atsumi Takano sa Wall Street Journal na yumao kanyang ama noong Enero 26.
Maaalala si Negishi bilang isa sa limang Japanese inventors na independenteng lumikha ng karaoke machine noong late 1960s.
Ipinanganak siya noong Nobyembre 29, 1923 sa Tokyo,
Ang kanyang imbensyon, na mas kilala bilang "Sparko Box," ay kinikilala ng All-Japan Karaoke Industrialist Association bilang ang pinakaunang karaoke machine na naipagbili sa merkado.
Unang binuo ni Negishi ang isang karaoke prototype sa pamamagitan ng pag-hook ng isang speaker, mikropono, at tape deck na nagpapatugtog ng isang instrumental na bersyon nang magkasama.
Hindi kailanman kumuha ng patent si Negishi para sa "Sparko Box," na gumagamit ng cassette tapes ng mga komersyal na available na instrumental recordings.