top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Manila Clock Tower Museum bukas na kahit weekends

3/4/24, 9:20 AM

Ni MJ Blancaflor

Naghahanap ka ba ng libreng pasyalan?

Bukas na sa publiko kahit weekends ang makasaysayang Manila Clock Tower na may museum na rin na matatagpuan sa loob ng Manila City Hall.

Pwede na itong pasyalan tuwing Martes hanggang Linggo, mula 10 a.m. hanggang 3 p.m.

Libre ang entrance para sa senior citizens, persons with disabilities, at mga estudyante na naka-enrol sa mga paaralan sa lungsod ng Maynila. Kinakailangan lang nilang magpakita ng valid I.D.

Samantala, P100 naman ang entrance fee para sa mga bisitang hindi kabilang sa nabanggit.

Tampok sa museo ang exhibit ng ilang local artists, maging ang mga larawan ukol sa kasaysayan ng lungsod.

Makikita rin doon ang ilang vintage explosives na ginamit noong World War II.

Taong 1930s nang itayo ang 100 talampakan na clock tower kasabay ang mismong city hall ng Maynila, na idinisenyo ng neoclassical artist at arkitektong si Antonio Toledo.

Sa tuktok ng tore, makikita ang 360-degree view ng Maynila.

Pormal na binuksan ang Manila Clock Tower Museum sa publiko noon pang Oktubre 2022 upang maitampok ang kultura at kasaysayan ng mga Manileño.

Hinirang ito ng National Commission of Culture and the Arts noong Nobyembre 2023 bilang grand winner ng Museums and Galleries Month 2023 Audio/Visual Presentation Museum Competition.

Napili din ito bilang Golden Leaf Presidential Awardee sa ginanap na Parangal 2024 ng Philippine Leaf Awards Tertulia.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page