top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

McDo tatanggap na ng senior citizens sa Bacoor bilang empleyado

4/5/25, 5:20 AM

Samantha Faith Flores

Mabibigyan na ng pagkakataon maghanapbuhay ang mga senior citizens sa Bacoor, Cavite, katulad ng mga kapwa retirado at kapwa matatandang nasa ibang bansa.

Ito ay matapos na lagdaan ni Mayor Strike Revilla ang isang memorandum of agreement na magkapagdudulot ng mga oportunidad sa trabaho ang mga seniors.

Ang MOA na pinirmahan din ng mga kumatawan sa Golden Arches Development Corporation ay bahagi ng programa ng pamahalaang lokal ng Bacoor City.

Sa pamamagitan nito bibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho ang mga senior citizens sa mga establisimyento ng Golden Arches na nagpapatakbo ng sikat na food chain na McDonald’s.

Ang Public Employment Servicer Office sa ilalim ni Dr. Abraham de Castro, ang naging susi para magkaroon ng ganitong pagkakasunduan ang Bacoor at Golden Arches.

“This partnership is a testament of the shared commitment of the City Government of Bacoor and Golden Arches Development Corporation to promoting inclusivity and providing opportunities for all members of the community. Through this initiative, senior citizens will have access to meaningful employment opportinuties, contirbuting to their economic well-being and overall quality of life,” paliwanag ng lokal na pamahalaan.

Lumagda rin sa MOA ang mga kinatawan ng Golden Arches na sina Timothy Bernardino, Josephine Mendoza, Marie Shiela Abril, Jen Narvadez, Austin Torres, at Meryl Adiel T. Hernandez, assistant vice president for corporate relations and impact.

Bukod kay Revilla at Castro, lumagda bilang mga saksi sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola at Venus de Castro, hepe ng Office of the Senior Citizens Affairs.

Comments

Поделитесь своим мнениемДобавьте первый комментарий.
bottom of page