top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Medialdea, Roque hands off sa Duterte legal defense team

3/19/25, 8:26 AM

Sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at dating Malacañang spokesman Harry Roque ay hindi na parte ng legal team na magtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mabibigat na paratang na hinaharap nito sa International Criminal Court.



Sa panayam sa mga reporters sa The Hague, sinabi ni Vice President Sara Duterte na scrap si Roque sa defense team upang makaiwas ang kanilang kampo sa mga kumplikasyong legal.



Ipinaliwanag ng anak ni Pangulong Duterte na kailangan munang masiguro ang basehan ng paglagi ni Roque sa The Hague.



“We want him to focus on his asylum and we want our lawyers to focus on the case,” paglilinaw ni VP Sara.



Sinabi ng pangalawang pangulo na si Mediadea naman ay magbibitiw na bilang abogado ng kanyang ama na kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC sa Netherlands.



“Once the team for ICC is finalized, Attorney Mediadea will withdraw because there are only limited slots for lawyers. We want all the lawyers on boar to have ICC experience.” paliwanag ni Duterte.



Inaasahang mayorya sa bubuo ng legal team ng dating pangulo ay mga hindi Filipino ngunit bihasa na sa mga usaping legal at mga kaso sa ICC.



Si British-Israeli legal experts Nicholas Kaufman ang mamumuno ng defense panel ni Duterte.



Hindi naman sinabi ni VP Sara kung ang pagbitiw ni Medialdea ay may kinalaman sa umanong kalagayan ng kalusugan ni Medialdea.



Itinakbo umano sa ospital ang dating Malacañang noong Martes (Marso 18) sa hindi pa malinaw na kadahilanan.



Comments

Comparteix la teva opinióSigues el primer a escriure un comentari.
bottom of page