

HEADLINES
Museong nagtatampok sa buhay ni Tandang Sora bubuksan sa QC

1/26/24, 4:45 AM
Ni MJ Blancaflor
Nakatakdang buksan sa Quezon City ang isang museong nagtatampok sa rebolusyonaryong bayani na si Melchora Aquino, mas kilala bilang Tandang Sora.
Tatawagin itong Tandang Sora Women's Museum na proyekto ng lokal na pamahalaan ng Quezon City, ayon sa ulat ng Philippine Information Agency.
Ibibida sa museo ang papel ni Tandang Sora sa 1896 Philippine revolution at ang ambag ng mga kababaihan sa kasaysayan ng bansa.
Inaasahang magiging sagisag ng pagkakaisa at lakas ng mga Pilipina ang nasabing museo.
Wala pang opisyal na petsang para sa pagbubukas nito.
Tinaguriang Ina ng Himagsikan si Tandang Sora matapos niyang suportahan ang mga miyembro ng rebolusyonaryong organisasyon na Katipunan.
Ang simbolikong pagpunit ng mga sedula ng mga Katipunero ay naganap sa kanyang tahanan sa Bahay Toro.