

HEADLINES
Pagkakasangkot sa POGO, mariing pinabulaanan ng pamilya ng pinaslang na si Anson Que
.jpg)
4/12/25, 10:55 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Walang basehan ang sapantaha ng Philippine National Police na maaaring may kinalaman ang Philippine Offshore Gaming Operators sa pagkidnap at pagpatay sa negosyanteng si Anson Tan, alias Anson Que, at sa kanyang driver.
Ito ang napagalaman habang nagpahayag naman si Philippine National POlice chief P/Gen. Rommel Marbil na natukoy na nila ang mga suspek sa double kidnaping and homicide case.
Nilinaw ni abogado Christopher “Kit” Belmonte, kumakatawan sa pamilya ni Tan, sa isang pahayag nitong Sabado (Abril 12).
“The family of the late Anson Tan firmly disputes allegations that their father was involved in POGO transactions. They have no rental property in Bulacan to speak of,” paliwanag ni Belmonte na dating kongresista ng Quezon City.
Nanawagan si Belmonte sa publiko na maging mapagmatiyag at alerto sa mga “misleading news” tungkol sa kaso. Idiniin niya na patuloy na makikipagtulungan ang pamilya ni Tan sa Philippine National Police upang agad mahuli ang mga salarin.
Nagmula umano sa PNP ang impormasyon na maaari umanong may kinalaman ang mga POGO sa pagdukot at pagpaslang kay Tan at sa kanyang driver na si Armanie Pabillo.
Ayon kay Belmonte, hindi kailanman nakipag-transaksyon si Tan sa mga POGO at sa anumang kahina-hinalang mga negosyo.
“Mr Tan. has been engaged in legitimate business for decades and is a stalwart member of the Filipino Chinese business community and is known for his charitable work,” sinabi ng abogado.
Dagdag pa nito: “During his lifetime, he stayed away form shady dealings and only did business with people he knew and trusted.”
Ayon naman kay Marbil, sinabihan na ng PNP ang Bureau of Immigration na i-monitor ang ilan sa mga suspek ng krimen at pigilin sila sa pag-alis sa Pilipinas.
“We can arrest some people right now but we can’t get the mastermind. We want the mastermind,” sinabi ni Marbil sa mga mamamahayag.
Naniniwala ang pulisya na mahigit pa sa kasong kidnap-for-ransom ang nangyari sa mga biktima.
Ayon sa impormasyon, nakapagbayad umano ng PhP50 milyon ang pamilya ng biktima sa mga dumukot kay Tan ngunit pinagay pa rin ang mga biktima.