top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Pangasinan: Dinakila, sinaluduhan ang kabayanihan ng WWII veterans

1/10/24, 1:49 AM

Ipinadama ng lalawigan ng Pangasinan ang respeto at pagmamahal sa mga bayani ng World War II sa pagdaraos ang 79th anibersaryo ng Lingayen Gulf Landings at 17th Pangasinan Veterans noong Martes (Enero 9)

Pinangunahan ni Gov. Ramon V. Guico III ang selebrasyhon na nagpapahalaga sa katapangan at mga sakripisyo ng gerilyang Pangasinense na lumaban sa pagsakop ng mga Hapones noong WW II.

Dinakila ng Undersecretary Reynaldo Mapagu, administrador ng Philippine Veterans Affairs Office, ang ipinakitang pagmamahal sa bayan ng mga beterano noong digmaang pandaigdi. Si Mapagu ang panauhing pandangal ng okasyon

Sa impormasyon na inilathala ng Philippine News Agency, ikinuwento ng mga beterano, marami sa kanila umabot na sa 100 taon gulang, ang mga naging alala nila upang maibalik sa mga Filipino ang kalayaan ng bansa.

Si Valentin Untalan na sa edad na 107 ay tinaguriang pinakamatandang nabubuhay na beterano sa probinsya ay nagkwento na 24 oras siyang nababad sa dagat bilang guwardiya. Tiniis nito ang lamig at gutom sapagkat hindi niya maaaring iwanan ang puwesto hanggang wala pang kapalit.

“I volunteered in the infantry. Even though I am only a private first class, I was assigned as commander of the platoon and officer. I reached the major rank,” paliwanag ni Lolo Valentin sa isang panayam para sa dokumentaryong Pamana.

Ang Pamana ay isang dokumentaryong ginawa ng Pangasinan Provincial Information Office at ipinalabas noong zmartes.

Si Raymundo Cabrera, 98, ay nagbalik tanaw noong siya ay maipadala sa Corregidor.

“I was assigned in Corregidor and in the far east that is around the island of Guam. It was like a prison ward for me,” sinabi ni Cabrera.

Dahil matanda na ang ama upang lumaban sa giyera, pinalitan ni Godofredo de la Cruz ang mahal na magulang upang lumaban sa mga Hapones.

“They asked my father to join but my father said he has small children so I volunteered,” paglalahad ni dela Cruz na nakaalala rin ng mga panahon na napagkaitan sila ng pagkain dahil sa digmaan.

Pinayuhan ng mga bayani ng Pangasinan ang mga kabataan sa probinsya na patuloy na maging mapangmatyag at maging handa upang ipagtanggol ang bansa at kalayaan ng kapwa Pilipino.

“The war that defined my generation has come to an end, granting us renewed hope. However, my dear future defenders, we must remain vigilant for another battle looms on the horizon. You are our future defenders, and hold the key to preserving our nation's legacy. Embrace the torch of patriotism and carry it forward with unwavering determination. Spread the flame among your peers and inspire others to join in this noble cause. Together, as I am still alive, we will ensure that the spirit of love for our country burns brightly for generations to come,” pahayag ni De la Cruz.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page