top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

HEADLINES

Pinoy na tambay at walang trabaho, kumokonti ang bilang - PSA

1/9/24, 9:40 AM

Lalong bumababa ang bilang ng mga Pilpinong walang trabaho, ayon sa ulat ng Philippine Statics Authority noong Martes (Enero 9).

Sa inilabas na estadistika, ang dami ng mga walang hanapbuhay ay bumaba noong Nobyembre, 2023. Inabot nito ang pinakamababang antas sa loob ng ilang taong nakararaan.

Sa isang press briefing, iniulat ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa na ang bilang ng mga walang hanapbuhay mula sa edad na 15 at pataas ay kumonti sa 1.83 milyon noong Nobyembre, 2023.

Ang bilang ay mababa sa 2.09 milyon noong Oktubre 2023.

“Ang unemployment rate ay naitala sa 3.6 percent o tatlumpu’t anim sa kada isang libong individual na nasa labor force ang walang trabaho o negosyo nitong Nobyembre 2023,” saad ni Mapa.

Nangangahulugan ito na ang bilang ng hindi nagtatrabahong indibidwal ay kumonte ng 275,000, Mataas ng 2.18 milyon unemployed na Pinoy ang naitala sa katulad na panahon noong Nobyembre, 2022.

Ang bilang ng walang trabaho noong Nobyembrer, 2023 ang pinakabagsak na number ng unemployed simula noong Abril, 2005.

Sa mga walang trabaho, iniulat ng PSA na 32 sa bawat 1,000 of 3.2% kalalakihan ang walang trabaho noong Nobyembre, 2023. Ang porsiyento ay mababa sa 4.1% na kababaihang walang hanapbuhay.

Sinabi rin ng PSA na mayroong 5.79 milyon ang naitalang underemployoed o iyong mga individwal na na namasukan na lamang sa trabaho na mababa ang sahod kaysa sa kanilang kakayahan o kwalipikasyon.l

Ini-report din ng PSA na nagtala ang Pilipinas ng 96.4% employment rate na tumtugon sa 49.64 milyong Pilipino na may hanapbuhay. Ito ay bahagyang tumaas sa October 2023 figure na 47.80 milyong nagtatrabahong individwal.

Comments

Condividi i tuoi pensieriScrivi il primo commento.
bottom of page