HEADLINES
Seniors na aabot ng 80 may P10k na dahil sa aprubadong Centenarian Law
2/26/24, 9:20 AM
Ni MJ Blancaflor
Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes, Pebrero 26, ang bagong batas na nagkakaloob ng P10,000 cash gift sa mga senior citizen na aabot ng 80, 85, 90, at 95.
Sa ilalim ng inamyendahang Republic Act 11982 o Expanded Centenarians Act, may karagdagang benepisyo na ang Pilipinong octogenarians and nonagenarians dito sa bansa at sa abroad.
Bago nito, mga Pilipinong umaabot lamang ng 100-taong gulang ang nabibigyan ng cash benefit na P100,000.
"The expansion of the coverage of the Centenarians Act is a homage to the Filipino trait of compassion, and in our culture, none are showered with more kind and loving care than our elderly," sabi ni Marcos sa kanyang talumpati.
"We do, after all, stand on the shoulders of these giants. But they deserve more than cash in an envelope. What they should get is a support infrastructure that every society owes to its greying population," dagdag pa niya.
Ang bagong bersyon din ng batas ay nagtatakda ng pagkakaroon ng Elderly Data Management System para makilala ang seniors na eligible sa nasabing benepisyo.
Kasunod nito, hinikayat ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred Delos Santos ang Philippine Statistics Authority na pabilisin ang pag-iimprenta ng national IDs, lalo na sa seniors, upang mapadali ang pagkuha nila ng nasabing benepisyo habang hindi pa tapos ang pagbuo sa database.
"To avoid problems in the implementation of Amendments to the Centenarians Act and while the elderly database is still being developed, a combination of IDs should be presented. This includes the LGU senior’s ID, PhilSys ID, and other IDs," ani Delos Santos.