top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Lolang PWD ginamit upang siraan si Mayor Vico Sotto - DSWD

4/8/25, 8:23 AM

Ni Samantha Faith Flores

Isang 77-anyos na babaeng may “mental disability” umano ang ginamit upang siraan si re-electionist Pasig City Mayor Vico Sotto sa ipinakakalat na video sa social media.

Ito ay ayon sa Department of Social Welfare and Development matapos na hingin ng departamento ang tulong ng National Bureau of Investigation upang maimbestigahan ang umanong paglalapastangan sa senior citizen na babae.

“Nakikipag-ugnayan na kami ngayon sa NBI Cybercrime Division para matukoy kung sino iyong nag-upload at makikipag-ugnayan na kami sa Facebook para i-bring down yung post. Kasi tuloy-tuloy eh, maraming nanunuod, so iyon ang request ng biktima at ng pamilya na maibaba iyon,” sinabi ni Secretary Rex Gatchalian sa isang panayam sa Unang Hirit ni media personality Arnold Clavio.

Nag-utos si Gatchalian na unahin ang pangangalaga sa kalusugan ng babaeng umanoy ginamit sa paninira laban kay Sotto.

Ayon sa kalihim ang nasabing senior citizen ay may psychosocial disability kung kaya kailangan niya ng agarang psychosocial interventions at financial assistance upang matulungan pati na rin ang kanyang pamilya.

“Inuna muna nating tingnan yung kalagayan ng ating biktima kasi siyempre may psychological trauma dahil hiyang-hiya siya, kinakantiyawan siya,” paliwanag ni Gatchalian.

Nagsagawa ang DSWD ng fact-finding investigation sa pangunguna ni Asst. Secretary Elaine Fallarcuna ng International Affairs, and Attached and Supervised Agencies upang mag-follow up ng assessment ng biktima at ng kanyang pamilya

Idiniin ni Gatchalian na handa ang kanyang departamentong tumulong sa nasabing pamilya sakaling magpasya sila na kasuhan ang mga taong nasa likod ng panloloko sa babaeng PWD.

Comments

생각을 공유하시겠습니까?첫 번째 댓글을 작성해보세요.
bottom of page