top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

TRUTH VERIFIER

Pilipinas sali sa 10 bansang pangunahing source ng love scam operations

2/15/25, 8:18 AM

Ni Samantha Faith Flores

Hindi lang ang minamahal ang maaaring manloko sa relasyon. Higit na talamak at lubhang masakit ang panloloko ng mga love scammers o mga “pusokal.”

Habang ipinagdiriwang ang Valentine’s Day sa buong mundo, nagbabala naman si Senador Joel Villanueva sa mga Filipino na pag-ibayuhin ang pag-iingat sa mga scammer, higit ang mga gumagamit ng online love scams.

Ayon sa Moody’s na isang international credit rating firm, isa na ang Pilipinas sa sampung bansa sa mundo na pangunahing pinanggagalingan ng mga love scammers sa internet.

Nanawagan rin siya sa mga online experts na gamitin ang kanilang talento para mga positibo at tamang paraan sa halip na manloko ng tao.

Ayon kay Villanueva dumarami na ang kaso ng online love scams base sa data ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group. Nitong Enero lamang, nakatanggap ang PNP-ACG ng walong sumbong tungkol sa online love scams.

Sa buong taon ng 2024, umabot sa 72 kaso ang naitala.

“We are celebrataing love today, yet some people continue to prey on others under the guise of romance. This is both shameful and disheartening,” sinabi ng mambabatas.

Dagdag niya: “Technology should be used to improve our lives, not to make us suffer. Let’s put AI (artificial intelligence) to good use.”

Si Villanueva ang isa sa mga nangunang sponsor ng panukalang batas na nagbabawal sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Iniuugnay ng mga cyber experts ang POGO operations sa maraming online scams na bumibiktima sa mga Filipino.

“This is exactly what we’ve been warning about from the beginning,” diin ni Villanueva.

Sa ipinalabas na iimpormasyon ng tanggapan ni Villanueva, napag-alaman na nagbabala ang credit rating firm Moody’s na ang Pilipinas ang isa sa 10 bansang nangunguna bilang pinanggagalingan ng mga bagong onlilne profies na iniuugnay sa love scams.

Sinabi ng Moody’s na 1,193 bagong profies ang ginamit para sa romance scams sa buong mundo. Ito na ang pinakamataas na nai-record sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 4% o 45 profiles, ang nanggaling sa Pilipinas.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page