

TRUTH VERIFIER
Senatorial bet Heidi Mendoza binalaan ang publiko laban sa campaign fund scams
_2025_02_01_22_41_33.jpg)
Photo from www.gmanetwork.com
2/25/25, 2:14 PM
Ni Ralph Cedric Rosario
Binalaan ni independent senatorial candidate Heidi Mendoza ang publiko na mag-ingat sa mga scammer na gumagamit ng kanyang pangalan ang pangngampanya upang makapangikil ng pera.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ng dating opisyal ng Commission on Audit na nakatanggap siya ng mahaba at hindi maintindihang mensahe noong Martes.
Bandang 1:30, nag-post muli si Mendosa upang linawin na wala siyang PayPal account. Nanawagan din siya sa Department of Information and Communications Technology na umaksyon laban sa scammer.
“Mukhang favorite ng scammer these days. Wala po akong PayPal… Heto yung number ng scammer ko just now! Hello DICT, please do your job,” sabi ni Mendoza.
Sa kanyang pinakahuling post bandang 1:42 PM, tila nawalan na ng pag-asa si Mendoza na humihingi ng kanyang mga campaign materials ngunit hindi ginagamit ang mga ito.
Sa halip napag-alaman niyang sumusuporta sa ibang mga kandidato ang mga ito.
Nag-warning si Mendoza na huwag dapat papaloko ang mga tao sa scam. Sinabi niya na hindi siya humihingi ng pera at lalong hindi siya gagawa ng ganito sa pamamagitan ng mga messaging apps na tulad ng Messenger, Telegram o Viber.
“Huwag po basta magpadala!. Again… Hindi po ako nanghihingin ng kahit anong halaga through Messenger, Telegram o Viber! Wala po akong PayPal! Ilang beses na po akong ginawan ng fake PayPal account,’ pagdidin ng kandidato para senador.