

TRUTH VERIFIER
Swindler na gumagamit sa pangalan ng First Family pinosasan sa five-star hotel

Photo from www.pna.gov.ph
2/28/25, 9:38 AM
Ni Samantha Faith Flores
Inaresto ng mga operatibang Philippine National Police ang isang lalaking nagpapanggap na konektado sa First Family sa pambabakal ng pera na ginagawa nito sa isang five-star hotel sa Pasay City.
Sa ulat ng PNP Criminal Investigation and Detection Group nitong Biyernes, kinilala ang suspek bilang isang alias “Simeon” 49, mula sa Barangay Rosario, Pasig City.
Nasakote si Simeon sa loob ng hotel sa may Resorts Drive bandang 4:48 ng hapon noong Huwebes.
Nakasuot pa ng pormal na barong tagalog si Simeon nang maposasan.
Ang operasyon ay isinagawa matapos mag-isyu ang Rasig City Regional Trial Court Branch 160 ng warrant of arrest laban kay Simeon. Mayroon nang dating estafa case ang suspek.
Pinatawan siya ng PHP90,000 piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan.
“The arrested person is also a subject of several complaints in the Office of the special Envoy on Transnational C rimes (OSETC) for allegedly misrepresenting himself to the public that he can facilitate government projects; and allegedly using the name of the First Family in his dealings,” sinabi ni CIDG chief Police Maj. Gen. Nicolas Torre III.
Sa pag-iimbestiga ng pulisya napag-alaman na ang umanoy scammer ay dati nang nagtrabaho bilang pribadong empleyado ng pamilya Marcos.
Ayon kay Torre, nagpapakilala umano si Simeon bilang isang “undersecretary” ng isang departamento ng pamahalaan ni Pangulong Marcos upang makumbinsi ang kanyang mga minamanipulang biktima.,
Sinasabi ng suspek na madali lang sa kanya ang makapagpa-proseso ng mga transaksyon sa gobyerno, lalo na ang pagkuha ng malalaking procurement contracts kapalit ng komisyon.
“Let this serve as a lesson to all those who use the name of the First Family for personal gains. Please refrain form doing such acts. Otherwise, you will be caught, and you will be held accountable for your actions,” ayon kay Torre.