TRUTH VERIFIER
Thai prime minister ginatasan ng AI scammers na nagpanggap na kilalang ‘world leader”
Photo from www.pattayamail.com
1/17/25, 11:54 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Hindi ligtas ang kahit sino, kasama na ang prime minister ng bansang Thailand, sa mga scammer na nais magkamal ng salapi sa panloloko.
Ito ang napag-alaman nang magsabi si Thailand Prime Minister Paetongtarn Shinawatra na nakatanggap siya ng tawag mula sa isa rin kilalang lider ng isang bansa - tinatantiya na isang world leader
Ayon kay Shinawatra humihingi ng pera ang taong tumawag sa kanya.
Bagamat agad pinag-kibit balikat ng Thailand head of state ang tawag na mula sa isang AI system, nagpahayag naman ito ng pagkabahala sapagkat kopyang kopya ng AI ang boses ng sinasabing tulad niyang lider ng isang bansa.
“The voice was very clear and I recognized i immediately. They first sent a voice clip, saying something like, ‘How are you? I ant to work together” and so on,” sinabi ni Paetongtarn.
Maya maya naman ay nakatanggap siya ng miss call galing sa parehong numerong tumawag na nauna.
“They sent another voice message asking for a donation, saying, “You are the only country in (the Association of Southeast Asian Nations) that hasn’t donated yet,”” ayon sa batang lider ng Thailand.
Dagdag niya: “I was taken aback for a moment and realized something was off.”
Bagamat namangha, inisip ni Patongtarn na AI system ang may gawa ng bigong scam.
Ayon sa maraming mga report, mga bansa sa Southeast Asia, kasama ang PIlipinas, ang madalas na target ng mga scammers na ngayon ay gumagamit na ng higit pang modernong teknolohiya ng AI.
Walang pinipili ang mga gumagawa ng panloloko, kahit pa ang kanilang tangkang binibiktima ay matataas na opisyal ng gobyerno o mga celebrity.