![Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png](https://static.wixstatic.com/media/4e7e19_7cc9593734ab49a780b1894edc4ee1b4~mv2.png/v1/fill/w_196,h_76,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png)
![Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png](https://static.wixstatic.com/media/4e7e19_6371ac5588554b038bfd90c6179649cb~mv2.png/v1/fill/w_230,h_65,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png)
TRUTH VERIFIER
Valentine’s Day warning: Umiwas sa cyber love scams
![](https://static.wixstatic.com/media/4e7e19_3cecf4a3784948d89372f634a93014aa~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_598,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/SweetheartScams-01-1720x1049.jpg)
Photo from kfcu.org
2/9/24, 9:20 AM
Ni Fae Flores
Dumami ang mga nabibiktima ng cyber love scam sa Pilipinas ngunit higit marami dito ang hindi pinararating ng mga naloloko sa pulisya.
Kahihiyan ng iskandalo sa mga kaibigan at pamilya ang karaniwang dahilan kung bakit hindi na nagrereklamo ang libo-libong nabibiktima ng malalaking halaga ng salapi dahil sa tinatawag na love scams sa internet.
Bukod sa mga dahilang ito, hindi umano alam ng mga biktima kung ano ang dapat gawin upang mahabol man lamang ang halaga na-scam mula sa pekeng cyber romance.
“Ang problema ngayon sa love scam, kasi hindi alam ng mga kababayan natin kung ano ang gagawin,” paliwanag ni Jocel de Guzman na isa sa mga nagtayo ng Scam Watch Pilipinas.
“Ang napansin namin, 15,000 lang kasi ang nag-rereport sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center buong 2023,” ayon kay Guzman.
Pinayuhan niya ang publiko na maging mapanuri at iwasang makipag-ugnayan sa mga hindi kakilala sa internet.
Noong 2023, naitala ng Philippine National Police ang 168 na kaso ng love scams. Malaki ang itinaas ng kaso kung ikukumpara sa 94 na naitala noong 2022.
Sa panayam sa DZRH radio, ipinaliwanag ni De Guzman na nangyayari ang love scams kapag nabobola ang biktima na magkaroon ng romantikong pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng sindikato sa internet.
Sa pamamagitan ng pekeng romansa, kadalasan nahuhumaling ang biktima sa kausap sa cyberspace at hindi nito nababatid na minamanipula lamang siya.
Paliwanag ni De Guzman, ginagamit ng mga scammers ang emosyon ng biktima na kadalasan ay bumibigay sa mga kahilingan ng manloloko. Ang biktima ay nagbibigay ng pera o kaya larawan kung saan sila ay nakahubad.
Ang mga scammers naman ay gumagamit ng mga pekeng larawan ng mukha at katawan na pang-pain na kadalasan ay kinakagat ng mga biktima.
“Kapag humingi ng nude pics, pwede nang gamitin sa pag-blackmail. Minsan hindi ginagamit for blackmail, hihingi pa rin ng pera,” ayon kay Guzman.