

LAW AND ORDER
3-anyos na babae, hinalay at pinatay ng lasing na kuya

3/10/25, 4:30 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Hinalay at pinatay ang isang tatlong-taon na batang babae ng kanyang 17 anyos na kapatid na lalaki sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, ayon sa report ng pulisya nitong Lunes (Marso 10).
Lasing umano ang kuya ng bata nang dumating ito sa kanilang bahay at dinala sa malapit na pugon at dito hinalay ang inosenteng bata.
Iniwan ng salarin na patay ang bata na hinihinalang hinataw ng matigas na bagay sa ulo atsaka sinaksak.
Dahil sa narinig na iyak ng biktima, nagdumaling puntahan ng mga kapitbahay ang pugon at dito nila ang hubad at wala nang buhay na labi ng biktima.
Agad din nakatakas ang binatilyong suspek ngunit nadakip din ng mga kapitbahay sa malapit sa lugar ng krimen.
Sa post-mortem examination, nakitaan ang biktima ng lacerations sa pribadong parte ng kanyang katawan tumutukoy sa rape.
Agad naman inilibing ang biktima.
Sa harap ng mga imbestigador at mga kaanak, umamin ng kanyang krimen ang salarin., Hinaharap niya ngayon ang kasong rape with homicide.