top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

3 nasakote sa rape-slay ng 16-anyos sa Pangasinan

2/21/25, 12:26 PM

Ni Tracy Cabrera

BAYAMBANG, Pangasinan — Patay na nang matagpuan sa manggahan ang isang dalagita sa Bayambang na ginahasa umano ng tatlong kalalakihan na kanyang nakainuman.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, sinabi ng kaanak ng biktima na umalis ng bahay ang 16-anyos na dalagita nang walang paalam noong Martes dakong alas-11:00 ng gabi.

May sumundo umano rito na tricycle at dinala ito sa isang abandonadong bahay sa Barangay Sangkagulis, na kung saan nakainuman ng biktima ang tatlong lalaking suspek.

Ayon kay Pangasinan Provincial director Colonel Rollyfer Capoquian, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na pumayag umano ang biktima na makipagtalik sa Isa sa mga suspek.

Dangan nga lang, kasunod nito'y nagsabi ang isa pang kainuman ng dalagita na nais niya ring makipagtalik dito pero tinanggihan ito ng biktima. Dito na humantong sa panggagahasa at kalaunan sa pagpatay ng 16-ayos upang hindi na ito makapagsumbong pa ukol sa naganap na krimen.

Hindi naman nagawang makatakas ang mga suspek na naaresto agad ng mga awtoridad habang ang ina ng biktima ay nanawagan ng hustisya para sa anak at nais na habambuhay na makulong ang tatlong lalaking umabuso sa kanyang supling.

"Parang hayop ang ginawa nila sa anak ko. Hustisya ang hinihiling ko lang po," umiiyak na pahayag ng ginang.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page