

LAW AND ORDER
Congressional bet Sia pinagpapaliwanag ng Korte Suprema dahil sa “bastos” na talumpati

4/8/25, 7:50 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Pinagpaliwanag ng Korte Suprema si Pasig City congressional candidate Christian Sia kung bakit hindi siya dapat disiplinahin matapos ang kanyang umanong magtalumpati sa entablado na naglalaman ng pambabastos sa mga single mothers.
Sa summer session ng Mataas Na Hukuman, napagpasiyahan ng mga mahistrado na mag-isyu ng show cause order upang magbigay ng paliwanag sa loob ng hindi na palalawigin pang sampung araw ang kandidato ng oposisyon sa Pasig City.
Bago ito, inutusan din ng Commission on Elections sa ikawalang pagkakataon si Sia upang depensahan ang kanyang inasal nang magyaya siya sa mga single mothers ng sex.
Nag-isyu na ng paumanhin si Sia ngunit hindi patuloy at kabi-kabila pa rin ang tinatanggap niyang pagbabatikos.
Dahil sa umanong pambabastos na ginawa ni Sia, nag-resign na sa kanilang ticket si dating Miss Philippines Shamcey Supsup-Lee na tumatakbo bilang konsehal sa tiket ni Sia.
“I choose to stand firmly by the values I’ve upheld throughout my life: dignity, respect, accountability and women empowerment. At this point, I beliefe the best way to stay true to these principles is to take a step back, reflect and listen to allow space for clarity before taking the next steps,” paliwanag ni Supsup-Lee isa isang pahayag.
Naghain ng reklamo sa Korte Suprema sina Abogado Allen Liberato-Espino at Michelle Lasterna Adricula upang disiplinahin si Sia dahil sa mga “sexist remarks” niya laban sa mga single mothers.
Kasunod nito, nag-petisyon din ang Gabriela National Alliance of Filipino Women upang imbestigahan si Sia at patawan ng kaukulang parusa kung nagkasala.