LAW AND ORDER
Dahil sa dementia, 65-anyos na convicted killer posibleng makaiwas sa firing squad
11/22/24, 11:10 AM
SALT LAKE CITY, Utah - May pag-asang makalusot pansamantala sa bitay ang 65-anyos na kriminal dahil sa kanyang dementia.
Kasalukuyang nagtatalo ang abogado ni Ralph Leroy Menzies at ang prosecution sa magkakasunod na competency hearing para malaman kung sapat ang kanyang kamalayan sa napipintong execution sa pamamagitan ng firing squad.
Nagharap ng mga medical experts ang parehong panig upang kumbinsihin si 3rd District Court Judge Matthew Bates na ipagpaliban o ituloy ang pagbigay kay Menzies.
Nahatulan mamatay sa pamamagitan ng firing squad o lethal injection si Menzies dahil sa pag-kidnap at pagpaslang nito kay Maurine Hunsakeer noong 1986.
Natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng 26 anyos na si Maurine, isang gas station attendant, tatlong araw matapos na siya ay kidnapin ni Menzies. Ginilitan sa leeg ang babaeng biktima, ayon sa awtopsiya,
Bago ito, marami nang naging kaso si Menzies katulad ng aggravated robbery at pamamaril.
Isinisi ang marahas na buhay ni Menzies sa pang-aapi at pang-aabuso na kinaharap nito mula pagkabata.
Sa competency hearing, limang medical experts - tatlong neuropsychologists, isang neurologist at isang forensic psychologist - ang nagkasundong may problema nga siya sa pag-iisip.
Subalit iba-iba naman ang kannilang pananaw tungkol sa kakayahan ng death row inmate maintindihan kung bakit siya bibitayin.
Upang matuloy ang pagharap ni Menzies sa firing squad, kinakailangan maintindihan niya ang dahilan para sa parusang ipinapataw sa kanya.
Ayon sa kanyang mga abogado, si Menzi ay dapat makaintindi ng koneksyon ng kanyang krimen at parusa at ang ginawa niyang pagpaslang kay Hunsaker ay isang kasuklam-suklam na krimen.