top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Disbarred: Abogado “nagbigay” ng PHP67-M sa senatorial campaign fund ni De Lima

2/19/25, 9:44 AM

Nagpasya ang Korte Suprema na i-disbar ang isang abogado dahil sa paglustay ng PHP67-milyon ng kanyang kliyente na umanoy idinagdag niya para sa pagkampanya bilang senador ni dating Justice Secretary Leila De Lima.

Sa per curiam decision na ipinalabas nitong Miyerkules (Peb 19), nagpasya ang SC en banc na tanggalan ng lisensya bilang abogado si Atorni Demosthenes S. Tecson dahil sa salang gross misconduct sa paglabag ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Sa record ng hudikatura, si Tecson ay kinuhang abugado nina Mamera C. Lizada, Benito Cuizon, Abelardo Cuizon at Enrique Cuizon sa kason expropriation na nakasampa sa Regional Trial Court.

Napanalo ni Tecson ang kaso kung kaya nag-utos ang korte na mabayaran ang mga kliyente niya ng PhP134 milyon.

Si Tecson mismo ang personal na tumanggap ng kabuuan ng pera ngunit PHP53 milyon lamang ang ibinahagi nito sa kanyang mga kliyente.

Ipinaliwanag niya na ang balanseng higit sa PHP80 milyon ay bayad para sa kanyang attorney’s fees at para umano pondohan ang kampanya sa pagka senador ni De Lima.

Hindi naman pumayag ang mga kliyente kung kaya’t nagsampa sila ng kasong administratibo para sa disbarment ni Tecson sa Integrated Bar of the Philippines.

Ipinaliwanag ni Tecson na ang natirang pondo ay kanyang ginamit bilang “facilitation fee” para sa isang “PR man” na magpapabilis ng pagbabayad sa kanila. Idiniin nito na alam ng mga nagreklamo ang bagay na ito.



Ngunit noong maibestigahan ng IBP, napagpasyahan na tunay na nagkasala si Tecson dahil sa paglabag niya sa kanyang tungkuling maging tapat sa batas sa ilalim ng Canon III ng CPRA.

Ayon sa Canon III, ang mga abogado ay may tungkuling na sumunod sa Konstitusyon at iba pang mga batas, tumulong sa pangangasiwa ng hustisya at maging tagapagtaguyod ng interes ng kanyang kliyente.

Ipinaliwanag din sa desisyon ng hukuman na sakaling hindi napangalagaan ng maayos ang pera ng kliyente, ito ay isa nang pagkakasala.

Kung ang abogado naman ay hindi nagsoli ng pera kahit ito ay hinihiling na ng kliyente, ipinagpapalgay na na dispalko ang pondo para sa sarili niyang kapakanan.

Sa insidenteng ito, hirap makontra ni Tecson ang ganitong pagpapalagay.

Sinabi ng Mataas na Tribunal na hindi suportado ng ebidensya ang sinabi ni Tecson na napunta sa PR man ang nawawalang halaga.

Sakali man ito nga ay totoo, idiniin ng Korte na ito pa rin ay isang pagkakasala bilang bribery.

Idiniin ng Supreme Court na mahigpit na ipinagbabawal sa mga abogado ang pagbibigay ng hindi tamang payo sa kanilang kliyente.

Bukod sa pagtanggal sa kanya bilang abogado, ipinasasauli rin ng mga mahistrado ng Korte kay Tecson ang halagang PHP67 milyon sa kanyang mga kliyente.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page