

LAW AND ORDER
Kilalang religious sect iniugnay sa pagpaslang kay standup comedian Gold Dagal

3/18/25, 8:44 AM
Mga taong kasapi ng kilalang religious sect na nagsasabing sila ang pinakamalapit sa Diyos ang itinuturing ng ina ni stand-up comedian Gold Dagal na nasa likod ng pagpaslang sa kanya noong Sabado sa Pampanga.
Tigib ng kalungkutan si Jocelyn Cruz nang akusahan nito sa kanyang Facebook page ang sekta na umano ay may kinalaman sa pagpatay sa kanyang anak.
Ayon sa kanya, isang “hired killer” ang kumitil sa buhay ng sikat na komedyante na idinadaan sa pagpapatawa ang mga puna niya tungkol sa relihiyon, maling palakad sa pamahalaan at human rights.
“Why this happened? I know those offended with his jokes during one of his stints in his stand-up comedy shows, had planned to end his life like how they constantly threatened,” sabi ni Cruz.
Kinondena ng ina ni Dagal ang mga nasa likod ng walang awang pagpaslang sa anak na mga duwag.
“They are a bunch of cowards who cannot defend themselves and their faith, which was put in question thru his dark humor,” ayon sa nagluluksang magulang.
Dinepensahan niya ang mga patawa ng anak na minasama naman umano ng mga hindi marunong umintindi at marahas.
“His jokes involved making light of subjects that are generally considered serious, taboo or distressing, which served various psychological and social functions,” paliwanag ni Cruz.
Lumalakas naman ang panawagan ng hustisya para sa pumanaw ng standup comedian na matagal na patuloy na nagbibigay ng mga social commentaries sa gitna ng maraming death threats laban sa kanya.
Nagbigay din ng pagkilala sa kabaitan at integridad ni Gold ang maraming mga kasamahan sa lumalakas na industriya ng stage comedy.
“Ang daming nagpapaka-Gold ngayon sa standup dahil sa kanya. .. You can’t make influence, and that’s why he’;s a real legend Gold,” ayon kay Leland Lim na isa ring standup comedian.
Sa pahayag ng Comedy Manila, hiniling ang agarang paggawad ng hustisya sa mga npumatay kay Gold.
“We stand in solidarity with all those seeking justice for Gold Dagal,” sinabi ng Comedy Manila.
Ikinalungkot at ikinabahala din ng Philippine Pastafarian Church ang “tragic at senseless” na kamatayan ng comedian.
“We condemn this act of violence against a man who wielded only words, never weapons. Though his voice has been silenced his message endures, and his legacy will not be forgotten. We take pride in the life he lived, the courage he showed and the truth he shared,” ayon sa PPC.