top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Magpinsang 14-anyos patay sa pananaksak ng mga kapwa estudyante

4/12/25, 8:08 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Dalawang 14-anyos na estudyante ang namatay matapos na pagsasaksakin ng mga kapwa mag-aaral ng isang public school sa Las Piñas City, ayon sa ulat ng pulis na inilabas nitong Sabado (Abril 12.)

Naisugod sa ospital ang mga biktimang magpinsan ngunit na deklara silang dead on arrival.

Nadakip naman ng pulisya ang dalawa sa mga umatake sa dalawang biktima at kasalukuyang pino-proseso para sa pagsampa ng kaukulang reklamong kriminal.

Ang umanong nanguna sa pagsaksak sa mga biktima ay isang Grade 9 student na dati nang nakasuhan at isang child in conflict with the law (CICL).

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Balikatan Street, Barangay CAA, Las Piñas City nang pauwi na ang mga biktima.

Bigla umano silang nilusob ng mga suspek na armado ng mga patalim.

Ayon kay P/SSgt. Neptali Maliclic, imbestigador ng kaso, hindi inasahan ng mga biktima ang pag-atake sa kanila.

Unang inundayan ng saksak sa leeg ang pinsan ng umanoy’y tunay na target ng mga suspek. Ang bata ay sumusundo lamang sa kanyang pinsan. Agad naman sinunod ang isa pa menor de edad.

Ang 15-anyos na CICL ang unang naka-alitan ng isa sa mga biktima. Ikinagalit umano nito ang pagpatay-sindi ng ilaw sa palikuran ng eskuwelahan.

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page