top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Religious sect followers iniuugnay sa pagpaslang kay standup comedian Gold Dagal

3/20/25, 12:08 PM

ANGLES CITY, Pampanga — Patuloy na sinisikap na matunton ng mga awtoridad yaong mga responsable sa pamamaslang ng isang stand-up comedian na binaril ng ilang ulit sa loob ng isang beer house nitong Sabado ng gabi sa Angeles City, Pampanga.

Hindi agad namatay and biktimang si Goldenier Dagal, alyas Gold, 38 anyos, at isinugod pa sa Angeles University Foundation Medical Center.

Dangan nga lang at makaraan ang siyam na oras na pakikipaglaban kay kamatayan, binawian din ng buhay si Dagal sanhi ng malubhang mga sugat na tinamo sa pamamaril ng tatlong suspek.

Batay sa report ng Angeles City Police Station, naganap ang pamamaril sa loob ng Pampanga’s Jest bar sa naturang lungsod.

Isa sa motibong sinisilip ng mga awtoridad ay ang posibilidad na nagtanim ng galit ang mga suspek dahil sa paggamit ng biktima sa relihiyon sa kanyang comedy performance na madalas ay patungkol sa sekta.

Nabatid na kilala ang biktima sa hanay ng mga stand-up comedian sa kanyang mga straight-faced humor na may bahid ng socio-political color at mga taboo topic.

Ganito rin umano ang isa sa mga nakikitang dahilan ng ina nitong si Jocelyn Dela Cruz na posibleng umani ng kaaway ang pagbibiro ng kanyang anak sa kanyang mga pagtatanghal na kung saan ay maaaring may napikon sa kanyang 'dark humor'.

Sa facebook post ng ina ng biktima na si Jocelyn Cruz, naikueento ng ginang na minsang ibinahagi ng kanyang anak ang pangarap nitong lumikha ng isang lugar na kung saan maaaring talakayin ng mga tao ang mga sensitibong paksa sa isang ligtas na kapaligiran.

“I know those he offended with his jokes during one of his stints in his stand-up comedy shows had planned to end his life like how they constantly threatened,” isiniwalat sa kanyang FB post ng ina ni Dagal.

“I have always reminded him that engaging in such dark humor can alienate or offend others. But some people who claim to be closest to God planned and perpetrated this crime,” dagdag pa nito.
Samantala, patuloy pa rin ang pagsisikap ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin na posible umanong mga hinihinalang mga hired killer.

Ni Tracy Cabrera

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page