top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Tatlong pulis sa Ilocos Norte, sibak sa 'police brutality'

4/2/25, 5:39 AM

Ni Tracy Cabrera

PASUQUIN, Ilocos Norte — Sinibak agad sa puwesto ang tatlong pulis na sangkot umano sa viral video ng pananakit sa isang biktima sa loob mismo ng Pasuquin Municipal Police Station sa Ilocos Norte.

Ayon kay Provincial Community Affairs and Development Unit acting chief Major Sheryll Guzman, kabilang din sa sinibak sa puwesto ang kanilang hepe dahil sa command responsibility.

Matatandaang nag-viral ang video sa social media na pinost ng isang netizen makaraang mabidyuhan nito ang kanyang stepfather na sinasaktan ng tatlong pulis na naka-duty sa loob ng himpilan ng pulisya nitong nakaraang Marso 30.

Kung sakaling mapatunayang nagkasala ang tatlo, maaari silang maharap sa kasong conduct unbecoming of a police officer na kung saan ang parusa ay maaring suspensyon o kaya ay pagkakatanggal sa serbisyo.

Batay sa salaysay ng uploaded, humingi ng tulong sa Pasuquin MPS ang kanyang stepfather matapos atakihin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa halip na tulungan, sinaktan umano siya at ang kanyang amain ng mga pulis at pinagsisipa pa ang kanyang stepfather.

Bukod dito, tinutukan din umano ng baril ng mga pulis ang 14-anyos na binatilyo habang pinapakalma niya ang kanyang amain at kalaunan ay ikinulong din kahit walang dahilan.

Kinondena ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang insidente at tiniyak ang mabilis na imbestigasyon upang mapanagot ang mga sangkot sa insidente.

(Larawan mula sa Brigada News)

Comments

Поделитесь своим мнениемДобавьте первый комментарий.
bottom of page