top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

LAW AND ORDER

Tiktik pinatitiktikan ng mambabatas

2/20/25, 8:46 AM

Ni Tracy Cabrera

BATASAN, Lungsod Quezon
Sa pagkakadakip ng ilang Chinese national at kababayan kaugnay ng pag-espiya o paniniktik, nakita umano ang kahinaan ng ating seguridad sa bansa, ayon sa ilang mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Habang kulang pa ang mga detalye ukol dito, tinukoy ni Davao Oriental District II representative Cheeno Almario ang pagkakaroon ng ganitong kaso ay humihiling ng seryosong pagsusuri at pag-aaral sa ating intelligence capability at gayun din sa ating relasyon sa Tsina.

"Hindi lang ito patungkol sa mga indibiduwal na sangkot sa ganitong gawain; ito'y nakakabahalang paalala sa potensyal na panghihimasok ng mga dayuhan sa ating internal affairs," ani Almario.

"Sadyang pinakita sa pagkakaaresto ng sinasabing mga espiya (o tiktik) na kailangan nating paigtingin ang ating counter-intelligence, pagandahin ang ating mga cybersecurity protocol at magsagawa ng komprehensibong pagsusuri sa mekanismo ng ating national security," dagdag nito.

Hinayag din ng kongresista na kailangan din nating mamuhunan sa modernong teknolohiya kasabay ng pagsasanay sa epektibong deteksyon at pagpigil sa mga aktibidad ng paniniktik.

"Hindi ito simpleng paghuli ng mga espiya; ito'y nakatuon din sa pangangalaga ng mga sensitibong impormasyon at datos na mahalaga sa interes ng ating bansa," sabi pa ng mambabatas mula sa Davao.
At lalong naging masalimuot umano ang situwasyon sanhi ng umiiral na komplikading geopolitical landscape sa rehiyon kaya hinihiling ng maingat na aksyon sa ating pakikipagrelasyon sa Tsina na masasabing may bahid ng magkahalong kooperasyon at tensyon.

"Habang hindi maitatanggi ang halaga ng ugnayang pang-ekonomiya, mas mahalaga pa rin ang pangangalaga ng ating national security. Kailangang magsilbing katalista ito para sa diyalogo ukol sa pagkakaroon ng balanse sa pagitan ng ugnayang kalakalan at priteksyon ng ating soberenya," punto ni Almario.

"Kailangan nating tiyakin na ang papasuking mga economic partnership ay hindi maglalagay sa alanganin ang seguridad ng ating bansa. Krusyal din dito ang transparency. Nararapat na ilabas ng pamahalaan ang sapat na impormasyon nang hindi makakakumpormiso ang isinasagawang mga imbestigasyon.

Makakatulong ito sa pagpapatibay ng tiwala ng publiko at nagpapakita ng commitment ng ating mga opisyal sa kanilang accountability."

Davao Oriental District II representative Cheeno Almario. (Larawan mula sa cheenoalmario.com)

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page