top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

7 pulis iniimbestigathan sa tangkang pagpaslang kay Kerwin Espinosa -PNP

4/11/25, 10:13 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Pitong pulis ang nasa kustodiya na ng awtoridad matapos na isama ang kanilang mga pangalan sa mga persons of interest na iniimbestigahan sa pagbaril kay Kerwin Espinosa, kandidato bilang alkalde ng Albuera, Leyte.

Sugatan pamamaril si Espinosa habang nangangampanya sa kanilang bayan Miyerkules ng hapon (Abril 9).

Bukod sa kanya, sugatan din dahil sa tama ng ligaw na bala ang isang batang babae na kinilala bilang si Aira Matinelle Colasito. Ang kapatid naman ni Espinosa na si Marie ay nasugatan din sa kaliwang tenga, mukha at leeg ngunit hindi dahil sa tama ng bala.

Matatandaang si Espinosa ay umamin bilang isang drug lord noong maglunsad ng war against drugs si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang kanyang ama na si Mayor Rolando Espinosa ay pinatay noong 2017 habang nakapiit sa kulungan at 24 na pulis mula sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kinasuhan sa pagpaslang sa dating alkalde at kasama niya sa piitan na si Raul Yap

Sa imbestigasyon sa tangkang pagpasalang sa batang Espinosa, sinabi ng mga imbestigador na ang gunman ay nagtago sa kisame ng entablado kung saan inaasahang magtatalumpati ang mayoralty candidate.

“Meron po ngayon na under custody na pitong pulis po at iniimbestigahan whether or not may kinalaman po sila dito sa nangyaring pamamaril kay Ginoong Espinosa,” pahayag ni PNP spokesperson P/Brig. Gen. Jean Fajardo sa isang press briefing.

Ayon kay Fajardo ang nasabing mga pulis ay natagpuan sa isang compound kung saan pumarada ang getaway vehicle na sinakyan ng gunman sa kanyang pagtakas.

“Nagsagawa po tayo ng pursuit operaiton dahil may isa po tayong motor vehicle in interest, isa pong Montero, na diumano umalis po kaagad doon sa site noong mangyari po iyong insidente,” ayon kay Fajardo.

Tumatakbo bilang mayor si Espinosa 47, sa ilalim ng kanilang partido na Bando Espinosa-Pundok Kausaban.

Photo from sunsstar.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page