top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Allen Dizon hinipuan din ni Apo Whang-od

4/6/24, 3:47 PM

Hindi nakaligtas si Allen Dizon sa panghihipo ng pinakamatandang mambabatok sa bansa na si Apo Whang-od nang sadyain niya ito sa Kalinga para magpa-tattoo.

Kalat na ngayon sa social media ang larawan ng aktor kung saan makikitang nakapatong ang kamay ni Whang-od sa kanyang kaselanan.

Kita rin sa larawan na natawa na lang si Allen sa ginawa ng 107-anyos na mambabatok noon pa man ding Semana Santa.

Ito ang unang beses na nagpa-tattoo ni Allen.

Bago nito, matatandaang nag-viral din sa social media ang ilang larawan at video kung saan makikitang hinipuan ni Whang-od si Piolo Pascual.

Hindi iyan ikinatuwa ng publiko dahil anila'y isa itong uri ng sexual harassment.

Noong Pebrero, pinarangalan ng Malakanyang si Whang-od ng Presidential Medal of Merit bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa tradisyunal na sining ng Pilipinas at sa pagpapanatili ng art form ng kanyang komunidad.

Photo from YouTube | DICK V. SARMIENTO VLOGS DEAF

Comments

Deine Meinung teilenJetzt den ersten Kommentar verfassen.
bottom of page