top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Ayuda ipinamimigay sa octogenarians ng Muntinlupa

1/22/24, 5:00 AM

NI MJ Blancaflor

Mabuting balita para sa ilang seniors!

Patuloy ang pamimigay ng tulong pinansyal sa octogenarians o mga lolo't lola edad 80-89 sa lungsod ng Muntinlupa.

Ang ayuda ay bahagi ng 4th Quarter Octogenarian Program ng lokal na pamahalaan, kung saan nakatatanggap ang mga senior sa nasabing age bracket ng P1,500 para sa buwan ng Oktubre, Nobyembre, at Disyembre 2023.

Pinangunahan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) ng LGU ang pamamahagi ng ayuda sa Barangay Poblacion, Alabang, at Bayanan noong nakaraang linggo.

Ipinamigay na rin ang cash assistance para sa mga octogenarian na residente ng Barangay Buli, Cupang, Putatan, Sucat, at Tunasan.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga hindi pa nakakapag-claim ng ayuda na magpunta sa OSCA Center ngayong araw, Enero 22, mula 9:00 a.m. hanggang 11 a.m.

Kinakailangan lang nilang ipakita ang kanilang OSCA ID (original at photocopy) para makakuha ng cash allowance.

Ang mga representatives o kinatawan naman ng octogenarians na hindi makakapag-claim nang personal ay kailangang magdala ng authorization letter, senior citizen’s ID ng beneficiary, ID ng representative, at printed picture ng senior citizen kasama ang representative na may hawak na kalendaryo na may kasalukuyang buwan.

Ang halagang hindi make-claim ay ibabalik sa City Treasurer’s Office, ayon sa OSCA.

Ang pamamahagi ng tulong pinansyal ay alinsunod sa City Ordinance No. 19-033 na ipinasa ng city council noong Disyembre 2019.

Layunin ng nasabing ordinansa na matulungan ang mga senior citizen sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Para sa may mga katanungan, maaaring tumawag sa tanggapan ng OSCA Muntinlupa City sa numerong 8511-0127.

Photo courtesy of City Government of Muntinlupa/Facebook

bottom of page