top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Driving hiniling na gawing paksang-aralin sa school curriculum

4/10/25, 9:51 AM

Ni Tracy Cabrera

DILIMAN, Lungsod Quezon — Hiniling ng National Center for Commuters Safety and Protection (NCCSP) sa Department of Education (DepEd) na isama na sa mga paksang-aralin ang driving class on road safety sa curriculum ng mga mag-aaral sa mga eskuwelahan.

Ayon kay NCCSP chairperson Elvira Medina, dapat na mabigyan kaagad ng kaalaman ang mga kabataang mag-aaral sa wastong pagmamaneho upang sa murang isipan pa lang ay malaman na agad nila ang halaga ng road safety.

“Puwede kahit sa fourth year high school o sa mga K12 student, maaari nang isama sa kanila ang subject na driving para alam nila kung paano maiingatan ang mga sarili habang nasa lansangan at kahit mga commuter lamang sila,” pinunto ni Medina.

Sinabi pa ng chairperson ng NCCSP na sa ibang bansa ay kasama na ang subject na driving dahil mahalagang malaman ng mga kabataan kung paano magkakaroon ng disiplina sa kalsada at malaman ang tamang pagmamaneho.

“Sa daming road crashes, hindi lamang dapat ang driver ang makaalam ng tungkol sa road safety kundi pati na rin ang mga pasahero dahil sakay sila sa mga sasakyan at biktima rin ng mga aksidente” dagdag ni Medina.

Kaugnay nito sinabi ni Leonard Bautista, vice president ng grupong LTOP, na dapat maisayos ang mindset ng estudyate kung pasahero man siya o driver para maprotekthan ang kanilang mga sarili mula sa mga aksidente sa kalsada.

Naniniwala din ito na dapat maisaayos ang sistema ng transportasyon sa bansa upang lahat ay maingatan at maprotektahan habang nasa mga lansangan.

Tinuturo na sa mga pribadong insitusyon ang pagmananeho. (Larawan mula sa Top Gear Philippines)

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page