![Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png](https://static.wixstatic.com/media/4e7e19_7cc9593734ab49a780b1894edc4ee1b4~mv2.png/v1/fill/w_196,h_76,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png)
![Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png](https://static.wixstatic.com/media/4e7e19_6371ac5588554b038bfd90c6179649cb~mv2.png/v1/fill/w_230,h_65,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png)
It's confirmed: Bea, Dominic hiwalay na sabi ni Tito Boy
![](https://static.wixstatic.com/media/4e7e19_344a1fa3e7204ca5b274b2e927f65728~mv2.jpg/v1/fill/w_474,h_316,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/OIF%20(3).jpg)
2/6/24, 10:30 AM
Ni MJ Blancaflor
Kinumpirma ni Boy Abunda noong Martes, Pebrero 6, na hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Sa programa niyang "Fast Talk With Boy Abunda" sa GMA-7, tinuldukan ni Tito Boy ang usap-usapan ng mga Marites ukol sa hiwalayan ng dalawa.
"Ako’y nalungkot ho talaga dahil madalas, ‘pag nagkikita kami ni Bea ay nagkakakwentuhan ho kami tungkol sa buhay, tungkol sa kanila, their marriage plans, etcetera. So, I was shocked," sabi ng beteranong talk show host.
"As we talk today, yes, hiwalay po si Dominic at tsaka si Bea,” sey pa ni Tito Boy.
Ibinalik na raw ni Bea ang engagement ring kay Dominic.
Pero may posibilidad pa rin daw na mag-usap at magkabati ang dalawa.
Pitong buwan pa lang ang nakakalipas nang ma-engage sina Bea at Dominic.
Paglilinaw ni Tito Boy, hindi raw totoo ang mga haka-haka na prenup ang dahilan ng hiwalayan at never daw magiging isyu ito sa dalawa.
Si Dominic pa nga raw ang nagprisinta sa mommy ni Bea na pumirma ng prenup.
Hindi naman niya idinetalye pa ang dahilan ng breakup.
Laki ng panghihinayang ng sambayanan, lalo pa't magkasama nag-travel sa Japan sina Bea at Dominic kamakailan.
Lumutang ang usap-usapan na hiwalay na ang dalawa noong nakaraang linggo, matapos mapansin ng ilang netizens na hindi na suot ni Bea ang kanyang engagement ring sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram.