top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Kabaong na hinigaan ni Dingdong Dantes sa 'Rewind' binenta ng P250,000

2/17/24, 8:45 AM

Ni MJ Blancaflor

Naibenta sa halagang P250,000 ang kabaong na ginamit ni Dingdong Dantes sa blockbuster film nila ng kaniyang asawang si Marian Rivera na "Rewind."

Nabili ng content creator at negosyanteng si Boss Toyo ang kabaong mula sa funeral homes owner na si Pasky Ilagan.

Ipinalabas sa YouTube series na "Pinoy Pawnstars" ang negosasyon ng dalawa na tumabo na sa higit 250,000 views.

Plano sanang ibenta ni Ilagan ng P1 milyon ang kabaong, pero tumawad si Boss Toyo ng P200,000 dahil wala naman daw itong pirma ni Dingdong.

Nagpresenta si Ilagan ng mga patunay na ang dala niyang casket nga ang ginamit ng "Rewind" production team sa pelikula, kabilang na ang video kung saan nakita ang aktwal na paghiga ni Dingdong sa kabaong.

Paliwanag pa niya, magpapa-autograph sana siya kay Dingdong pero naging mabilis daw ang filming process ng pelikula.

Kasama rin sa credits ng "Rewind" ang St. Athanasius Memorial Chapel sa San Andres Bukid, Maynila na pagmamay-ari ni Ilagan.

Sa huli, nagkasundo ang dalawa sa presyong P250,000.

Hirit naman ni Boss Toyo sa aktor: "Sir Dingdong, alam ko nanonood ka lagi ng 'Pinoy Pawnstar.' So nandito sa harapan ko ‘yung hinigaan mo sa 'Rewind.' I hope 'pag nagkasundo kami ni Sir, pasyalan mo naman ako sa aking munting shop at nang mapirmahan natin ito."

Ang pelikulang "Rewind" na ang highest grossing film sa bansa matapos itong tumabo ng higit P990 milyon at malagpasan ang P880 milyong kinita ng 2019 movie na "Hello, Love, Goodbye."

"Rewind" ang opisyal na entry ng Star Cinema sa 2023 Metro Manila Film Festival.

Naiuwi ni Dingdong ang Best Actor Award sa Manila International Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikula.

Photo from philnews.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page