top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Lakas-CMD kinilalang dominant majority party, Nacionalista ang minority

3/11/25, 4:43 AM

Itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) ang partidong Lakas-CMD bilang dominant majority party habang Nacionalista naman ang dominant minority party para sa darating na halalan sa Mayo 12.

Batay sa Resolution No. 11119 na inilabas noong nakaraang linggo, sinabi ng Comelec na bibigyan ng hard copy ng election returns ang mga dominanteng partido.

Magkakaroon din sila ng sariling mga server na maaaring gamitin para sa mabilisang pagbilang ng mga boto at sa pag-verify ng resulta ng halalan.

"Whereas, under Resolution No. 11076 as supplemented/amended by Resolution No. 11098, the dominant majority party and the dominant minority party are entitled to receive the election results to be transmitted directly to their respective servers from all the polling precincts that functioned and from the overseas voting," ayon sa resolusyon.

Sinabi rin ng Comelec na kabuuang 11 partidong pampulitika ang nag-apply para sa akreditasyon upang matukoy ang dominant majority at minority parties.

Ang mga partido ay niranggo batay sa kanilang kasaysayan, bilang ng mga kasalukuyang halal na opisyal, at sa bilang ng kanilang mga organisadong sangay sa mga lungsod, bayan, at lalawigan.

Kabilang sa iba pang mga akreditadong partido ang Akbayan Citizens Action Party, Aksyon Demokratiko, Liberal Party of the Philippines, Nationalist People’s Coalition, National Unity Party, PDP-Laban, Partido Demokratikong Reporma, Partido Federal ng Pilipinas, at United Nationalist Alliance. #

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page