top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Limang turistang dadalaw kay 108-anyos Apo Whang-Od namatay sa aksidente

4/5/25, 9:51 AM

Ni Samantha Faith Flores


Limang katao ang namatay at siyam pa ang malubhang nasugatan nang sa 50-metrong bangin ang kanilang sinasakyang van na tutungo sa lugar ni Apo Whang-Od, ang kilalang pinakamatandang tattoo artist sa Kalinga.

Nangyari ang aksidente sa Barangay Ampawilen, Sadanga sa Mountain Province bandang alas-10 ng gabi noong Biyernes (Abril 4).

Ayon sa official social media page ng Mountain Province Provincial Police Office ang kulay puting NIssan van na may plakang NDA 9883 ay nahulog sa bangin matapos na madulas ito at bumagsak sa may ilog.

Kasama sa mga nasawi ang driver na si Vance Quinto Hernandez Jr., 45.

Apat sa kanyang mga pasahero na pawang mga lokal na turista ang kasama sa mga namatay.

Tatlo sa nasawi ang kinilala na sina Gerardo Navarro, 36; Veronica Hipolito, 36 at Niño Belando. Isang babae na nakasuot ng gray na T-shirt at itim na legging ang hindi pa nakikilala.

Siyam pang mga pasahero ang nagtamo ng mga sugat at itinakbo sa Bontoc General Hospital.

Ayon sa ilang saksi bibisitahin umano ng mga turista si Apo Whang-Od sa Tinglayan, Kalinga upang personal na mapanood ang husay niya sa pag-tattoo.



Ang 108 anyos na tattooo artist o mambabatok ay kinikilala sa buong mundo dahil sa kanyang tradisyonal na paraan ng pagta-tattoo.

Siya rin ang pinakamatandang indibidwal na nalathala sa cover ng international Vogue magazine.
.

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page