top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Mga kandidatong bastos, ipako sa krus — netizens

4/15/25, 7:08 AM

INTRAMUROS, Maynila — Sadyang napaaga ang Semana Santa sa ilang kandidato makaraang batikusin ang mga ito sa social media at hilingin sa Commission on Elections (Comelec) na kastiguhin dahil sa paggamit ng hindi kaaya-ayang pananalita at pambabastos sa kababaihan habang nangangampanya.

Animo’y ipinako sa krus ng mga netizen sina Pasig congressional candidate Atty. Christian Sia, Misamis Oriental governor Peter Unabia at Batangas gubernatorial aspirant and incumbent Mataas-na-Kahoy vice mayor Jay Ilagan at marami pang iba na inisyuhan na ng show cause order ng Comelec.

Malaking papel ang ginampanan ng social media para maiparating sa Comelec ang mga kabastusan at diskriminasyon ng mga ito.

Matatandaang kinastigo si Sia sa kanyang pagbibiro sa mga solo mother na ikinairita ng marami at itinuring itong kabastusan sa mga inang nagtataguyod mag-isa ng kanilang mga anak.

Si Unabia nama'y na-call out sa kanyang diskriminasyon sa mga babaeng nurse kasunod ng kanyang pahayag na ang kursong nursing ay para sa mga babaeng magaganda lang dahil kapag pangit ay baka lumala pa ang sakit ng pasyente.

Si Batangas gubernatorial candidate at incumbent Mataas-na-Kahoy vice mayor Jay Ilagan ay naisyuhan naman ng show cause order matapos ding kastiguhin ng mga netizen ang patutsada nito sa kalabang si Vilma Santos na umano'y "laos na" kaya maituturing na isang panlalait at pagmamaliit sa edad nito.

Naglabas din ng show cause order ang Comelec upang hilinging ipaliwanag ng apat pang kandidato ang umano’y paggamit nila ng emergency alert messaging system na naglalaman ng 'political advertisements' o 'election propaganda'.

Ang apat nasabing kandidato'y kinabibilangan ni Masbate gubernatorial candidate Ricardo Kho, vice gubernatorial aspirant Fernando Talisic, Masbate City mayoralty bet Olga Kho at Masbate District II representative Elisa Kho, na naghahangad na makakuha ng congressional seat para sa paparating na halalan sa Mayo 12.

Batay sa mga dokumentong inilabas ng Comelec noong Linggo, ang umiikot na mensahe ay naglalaman ng mga sumusunod na detalye:

“Emergency Alert: Extreme, Vote! RICHARD KHO for Governor”;
“Vote! FERNANDO ‘ANDOT’ TALISIC for Vice Governor”;
“Vote! ELISA ‘OLGA’ KHO for 2nd District Representative”;
“Vote! ARA OLGA KHO for City Mayor”
Iginiit ng Comelec, maaari rin itong maging election offense sa ilalim ng Sec. 261(z)(11) ng Batas Pambansa Blg. 881, o kilala bilang Omnibus Election Code. 5

Tradisyonal na penitensya sa panahon ng Semana Santa. (Larawan mula sa Flickr)

Comments

Compartilhe sua opiniãoSeja o primeiro a escrever um comentário.
bottom of page