top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Pasaporte ni Roque hindi puwedeng kanselahin ng walang kautusan ng korte

3/19/25, 8:48 AM

Ni Tracy Cabrera

BATASAN, Lungsod Quezon — Walang magawa kundi amin ng pamunuan ng Mababang Kapulungan na wala silang kakayahang ipakansela ang pasaporte ni dating presidential spokesperson Atty. Herminio 'Harry' Roque Jr. na ngayo'y nag-apply ng asylum sa pamahalaan ng The Netherlands.

Sa panayam kay House secretary general Reginald Velasco, bagama’t ang kongreso sa pamamagitan ng Quad Committee ang nag-isyu ng arrest order laban kay Roque, ang Korte Suprema lamang umano ang may kapangyarihan sa pagpapakansela ng passport nito.

“The House doesn’t have jurisdiction over consular matters,” punto ni Velasco.

Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay nagsabi ring tali ang kanilang kama dahil hindi basta-basta nagkakansela ng pasaporte ng isang tao na walang kautusan mula sa korte.

Si Roque ay kasama sa inimbestigahan ng House Quad Committee sa pangunguna ni Surigao del Norte District II representative Robert Ace Barbers dahil sa kaugnayan nito sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga. Sa imbestigasyon, nakakitaan ng mga ebidensya ukol dito, tulad ng bank deposit nang sinalakay ang POGO hub ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Lalong nadiin dito si Roque matapos matuklasang lumobo ang nilalaman ng kanyang bank account sa ₱125 million noong 2024 mula sa ₱125,000 noong 2015, subalit sinabi ng dating opisyal ng Palasyo na nagmula ang halaga sa ibinentang lupa niya sa Parañaque kaya hiningan ito ng mga dokumentong magpapatunay nito.

Gayun pa man, hindi rin anagsumite si Roque ng mga ebidensyang hindi galing sa POGO ang kanyang pera at hindi na ito muling dumalo sa pagdinig ng nasabing komite kaya na-contempt ito at naisyuhan ng arrest warrant.

“I understand that the House Quad Comm is planning to have a hearing immediately to . . . just to know what is the status of arrest order and then what the Department of Justice (DOJ) is doing about this pending cases,” ayon kay Velasco na ang tinutukoy ay ang mga kasong isinampa ng PAOCC laban kay Roque at gayun din kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at ilan pang iba.

“(So), why are you running?” parunggit na tanong naman ni Kabataan party-list representative Raoul Danniel Manuel kay Roque sa pag-apply nito ng asylum sa The Netherlands habang hindi rin naman siya inuusig dito sa Pilipinas kundi pinapanagot lamang umano sa kanyang mga aksyon, tulad ng pagkakasangkot sa POGO.

“If he is indeed an advocate for justice, as he once portrayed himself to be, he should face the music and not play the victim,” punto ni Manuel.

Comments

Partagez vos idéesSoyez le premier à rédiger un commentaire.
bottom of page