

Presyo ng mga produktong langis bubulusok sa Holy Week

4/12/25, 10:19 AM
Ni Samantha Faith Flores
Inaasahan ng Department of Energy ang pagbulusuk ng presyo ng langis sa darating na kwaresma.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Asst. Director Rodela Romero ang big-time price rollback na tinatantiya ng ahensya ay base sa apat na araw na pagbantay sa Mean of Platts Singapore.
Sa kanilang pagtaya, posibleng tumaba a presyo ng bawat litro ng gasolina mula PhP3.30 hanggang PhP3.75 samantalang ang krudo naman ay babagsak sa PhP2.90 hanggang PhP3.40.
Ayon kay Romero ang halaga ng kerosene ay posibleng mabawasan ng PhP3.40 hanggang PhP3.50.
Malaki umano ang naging epekto ng kasalukuyang trade tension ng Estados Unidos at China sa inaasahang pagbaba ng mga presyo ng produktong langis.
Ayon pa kay Romero malaking dahilan din ang darating na pagbabawas sa official selling price ng Saudi Arabia ng krudong sinusuplay sa Southeast Asia.
Dagdag pa sa mga dahilan ng tinatantiyang pagbulusok ng presyo ay ang malaking idinagdag sa produksyon ng langins ng mga kasapi ng Organization of the Petroleum Exporting Countries.
Mula sa 135,000 bawat barrel kada araw, tumaas ang produksyon sa 411,000 barrels bawa araw.