

Publiko pinaghaganda ngayong Fire Prevention Month
%20(15).jpeg)
3/3/25, 8:13 AM
Ni Tracy Cabrera
MALATE, Manila — Pinagdiriwang ngayong buwan ng Marso ng buong Pilipinas ang obserbasyon ng Fire Prevention Month na sinimulan nitong nakaraang Sabado, Marso 1.
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) officer-in-charge Fire Director Jesus Piedad Fernandez, nakatalima ang buong puwersa ng BFP sa pagsasabuhay sa tema ng selebrasyon na “Sa Pamayanang Nagdadamayan, Sunog ay Maiiwasan” upang mapangalagaan ang kaligtasan ng pamayanan sa oras ng mga pangangailangan tulad ng pagkakaroon ng insidente ng sunog o anumang sakuna na nagbabanta sa buhay ng bawat mamamayan.
Ito banana ang buong pusong sinusuportahan ng grupong Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) na ang tanging adhikain ay isulong ang isang plataporma at political agenda na naka-focus sa kapakanan ng sambayanan upang maging matiwasay, ganap at ligtas abg pamilyang Pilipino.
Sa panayam, idiniin ni ABP president at first nominee Jose Antonio 'Ka Pep' Goitia ang pangangailangang ng paghahanda sa pagpasok ng panahon ng tag-init na kadalasa'y nagdadala ng matinding tagtuyot kaya dumarami ang nagaganap na mga sunog at iba pang kalamidad.
Sa ngayo'y umaani ng suporta ang grupo ni Goitia sa pag-akyat nito sa ika-14 na ranking sa Top 20 list ng mga organisasyong sektoral na tumatakbo para makakuha ng puwesto bilang kinatawan ng mga bumbero at rescuer sa bansa sa Kamara de Representante sa nalalapit na midterm elections sa Mayo 12.
Ayon sa president ng ABP, naniniwala siyang makakapasok pa sa Top 10 ang kany party-list dahil layunin nito ang tunay na pagtulong sa publiko sa pamamagitan ng pagtulong ng isang legislative agenda para sa kapakanan ng sambayanan.
Isusulong din ng ABP at ni Goitia ang mga mahahalagang reporma sa pamahalaan at gayun din ang paglipol sa korapsyon, kriminalidad at kahirapan na matagal nang bumabagabag sa taongbayan.
Hinayag din ni Goitia ang kanyang pagsang-ayon sa deklarasyon ni Fire Marshal Senior Superintendent Melanie Habawel na nagbibigay diin sa kampanya ng BFP na palawigin ang public awareness ukol sa fire prevention at safety.
"Kailangan talaga ating maging laging handa. Mahalaga po na ang lahat ay ligtas sa harap ng mga sakuna tulad sunog. Kami sa ABP ay organisado rito at ang bawat volunteer firefighter at rescue na aming kasapi ay handang rumesponde 24/7 sa lahat ng emergency," pinunto ng first nominee ng ABP.
Gayun man, bukod sa kahandaang rumesponde sa anumang situwasyon, respond to any situation, binigyang-pansin din ni Goitia ang pangangailangang mapalawig ang mga benepisyong ipinagkaloob sa mga bumbero at rescuer na siyang mga frontliner sa disaster response at laging handa na ibuwis ang kanilang buhay para sa kapakanan at kaligtasan ng bawat Pilipino.