top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Sabwatan ng DA at mga negosyante nasa likod ng bukbuking bigas sa Kadiwa?

2/19/25, 6:59 AM

Ni Tracy Cabrera

MURPHY, Lungsod Quezon — Mayroon nga bang pagkikipagsabuwatan ang Department of Agriculture (DA) sa mga rice importers para mai-dispose na ang mga lumang bigas na kanilang inangkat?

Ito ang pagdududa ng grupong Amihan dahil sa mga nakitang bigas na binubukbok na at ibebenta pa rin sa mga Kadiwa Center sa Murphy Public Market sa Quezon City.

“Itong bukbuking bigas ay imported. Ibig sabihin, magkasabuwat ang DA at malalaking importers at traders para i-dispose at maibenta ito,” pagsisiwalat ni Amihan secretary general Cathy Estavillo sa kanyang opisyal na pahayag.

Ayon kay Estavillo, madilaw na at may bukbok ang bigas na ibinebenta sa Kadiwa stall sa nasabing pamilihan at mismong mga maralitang mamimili ang nagrereklamo dahil kahit silang mahihirap ay hindi maatim na isaing at kainin ang ganitong uri ng bigas.

Naniniwala ang lider ng magsasakang kababaihan na posibleng maraming inangkat na bigas ang hindi naibenta agad ng mga rice importers kaya para hindi masayang ay ibinebenta ito sa mga tindahan ng Kadiwa.

Bukod dito, marami din umanong palay ang hindi pa nagigiling hanggang ngayon kahit matagal nang inani at ang dahilan ay maraming inangkat na bigas tulad ng kaso sa Occidental Mindoro na kahit dalawang taon aniyang natengga ang palay sa imbakan ay giniling pa rin para ipakain sa mamamayan na kahit na hindi na ito nararapat alinsunod sa takdang pangangalaga ng kalusugan.

"Dapat ipakain na lang itong bukbok rice at igigiling na bigas na dalawang taon nang nakatengga sa bodega ng NFA (National Food Authority) kina Marcos at Tiu-Laurel," parunggit ni Estavillo na tinutukoy sina Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. at agriculture secretary Francisco Tiu Laurel Jr.


Pinuna ni Estavillo ang pambabarat sa palay ng pamahalaan sa mga magsasaka sa Laguna dahil binibili lamang sa halagang ₱15.50 kada kilo ang palay at ayaw ding bilhin ng NFA dahil puno na umano ang kanilang mga bodega.

Dahil din dito, nanawagan si Estavillo na patuloy labanan ang liberalisasyon sa agrikuktura at pagpabasura sa Rice Liberalization Law dahil ito umano ang ugat ng kinakaharap na problem ng mamamayan, hindi lamang sa mataas na presyo ng bigas kundi sa lahat ng produktong agrikultural.

Noong Pebrero 14 ay ang ika-anim na taon ng nasabing batas na siyang nagpahirap umano sa mga lokal na magsasaka at mamimili pero nagpayaman naman sa mga rice importer dahil pinabaha nila ng imported rice ang Pilipinas.

Bigas na tinitinda sa Kadiwa. (Larawan mula sa Pinoy Publiko)

Comments

Comparte lo que piensasSé el primero en escribir un comentario.
bottom of page