

Slovakian tourist sa Boracay pinagsamantalahan bago pinatay - pulis

3/20/25, 1:18 PM
Ni Ralph Cedric Rosario
Kinumpirma ng pulisya na pinagsamantalahan bago walang awang pinatay ang turistang Slovakian na si Michaela Michova sa kilalang Boracay Island sa Mala, Aklan.
Nakapagtuko ng dalawang persons of interest ang pulisya bagamat pinatitibay pa ng mga imbrestigador ang ebidensyang hawak nila upang masiguro ang kasong isasampa sa mga suspek.
Ayon kay Police Capt. Aubrey Ayon, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group, kinumpirma sa medico-legal results na inabuso si Michova.
Malakas na palo sa ulo ang umanoy dahilan ng pagkamatay ng 23-anyos na dalagang mula sa Slovakia.
Dalawang persons of interest ang nasa kustodiya ng Philippine National Police at isa sa kanila ang umamin na umano sa naging papel sa pagpaslang.
Siyam na testigo ang tumulong sa mga pulis upang matukoy ang tatlong persons of interest. Isa na lamang sa mga suspect ang hindi pa nahuhuli.
Ayon kay Col Randulf Tuaño ng PNP public information office, ang dalawa sa mga nadakip ay may dati nang mga kaso ng illegal drug use.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspect.