top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

Tagtuyot pinalitaw ang 300-anyos na simbahan, sementeryo sa Pantabangan Dam

5/1/24, 3:44 AM

Dahil sa matinding init at mahabang tagtuyot na dala ng El Niño phenomenon, lumitaw ang 300 taon ng simbahan, sementeryo at iba pang mga istruktura sa gitna ng Pantabangan Dam sa Nueva Ecija na nauubusan na ng imbak na tubig.

Inilubog sa tubig noong panahon ni pumanaw na dating Pangulo Ferdinand E. Marcos, ama ng kasalukuyang presidente, ang lugar na matagal nang nilunod sa limot.

Bagamat marami nang beses na lumitaw ang mga nilunod na guho ng mga istruktura dahil sa kakulangan ng tubig sa Pantabangan, ngayon umano ang pinakamatagal na panahon na ang mga ito ay nakikitang muli ng mga tao.

Ang pagpapalawak ng sakop ng Pantabangan Dam ay isinagawa noong 1970’s sa pamamagitan ng pangungutang ng pamahalaan sa World Bank.

Napagpasiyahan noon na mapabuti ang serbisyo ng dam upang masiguro ang patuloy na mataas ng produksyon ng Nueva Ecija ng pangunahing produkto nito na bigas.

Ayon sa National Irrigation Administration lumutang ang nilunod na dating sentro ng Pantabangan simula noong Marso, dahil sa mahabang tagtuyot na nagsimula bago pa mang pumasok ang taon ng 2024.

Sinabi ng NIA na lubhang mababa ang lebel ng tubig sa Pantabangan bagamat patuloy pa rin itong nagbibigay ng tulong sa mga magsasaka upang matubigan ang mga sakahin nila.

Sinabi naman ng mga taga-Pantabangan, kadalasan nagiging pasyalan ang mga guho tuwing bumabagsak ang lebel ng tubig sa dam.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) magpapatuloy ang tagtuyot sa bansa sa buwan ng Mayo.

Photo from tribune.net.ph

Comments

Share Your ThoughtsBe the first to write a comment.
bottom of page