

Tuloy pa rin ang laban — dismissed Porac mayor
.jpeg)
4/7/25, 10:17 AM
Ni Tracy Cabrera
PORAC, Pampanga
Sa kabila nang pagkakatanggal niya bilang alkalde ng bayan ng Porac sa Pampanga, hinayag ni dismissed mayor Jaime 'Jing' Capil na haharapin niya ang kanyang dismissal na hanap ang kaukulang remedyo upang malinis ang kanyang pangalan at maibalik ang kanyang integridad.
“Para po sa mga Poraquenong walang sawang nagmamahal, sumusuporta, at nagtatanggol sa akin at sa buong Team Bayung Porac, huwag po kayong magaalala, tuloy po ang ating kandidatura," tiniyak nito sa kanyang mga tagasuporta.
"Higit kailan man, sa eleksyon na ito ay kailangan namin ang inyong buong suporta (To Poraqueños who give love, support, and look after me endlessly, to my Team Bayung Porac, do not worry, our candidacy pushes through. More than ever, we need your support especially in these elections),” dagdag ni Capil.
Sa kautusang alisin sa puwesto ang alkalde, ipinaliwanag ng Ombudsman na mayroong 'clear substantial evidence' upang desisyunang nakagawa si Mayor Capil ng 'gross neglect of duty' noong nanunungkulan siyang mayor ng Porac kaugnay ng pagkakasangkot sa operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang hurisdiksyon.
Sacresolusyon inilabas sa publiko nitong Abril 4 lang, hinatulan ng Ombudsman si Capil na guilty of gross neglect of duty para patawan siya ng kaparusahang dismissal from service at gayun din ng pagkansela ng kanyang government service eligibility, forfeiture ng kanyang mga retirement benefit at perpetual disqualification mula sa reemployment sa pamahalaan.
Ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang siyang nagsampa ng reklamo laban kay Capil at iba pang mga lokal na opisyal kasunod ng operasyon ng mga awtoridad laban sa Lucky South 99 POGO hub sa Porac.
Inaksyunan ang POGO hub batay sa mga alegasyon ng mga nagaganap na iligal na aktibidad, kabilang ang human trafficking, dating at financial scam, cybercrime at prostitusyon.